Pusong SumasambaHalimbawa
Ang Pagsamba ay Nagbibigay-Kasiyahan sa Kaluluwa
Ang pagsamba ay nagbibigay-kasiyahan sa iyong kaluluwa dahil ang Diyos ang nagbibigay-kasiyahan sa iyong kaluluwa. Tulad ng masarap na pagkain na nagbibigay-kasiyahan sa tiyan, ang taos-pusong pagsamba ay nagbibigay-kasiyahan sa kaluluwa. Ikaw ay gutom sa pagsamba.
Ikaw ay gutom sa pagsamba dahil ikaw ay nananabik sa Diyos. Sa pagsamba, nakakatagpo mo ang Diyos. Ikaw ay gutom para sa Diyos dahil nilikha ka sa wangis ng Diyos. Taglay mo ang wangis, isang imortal na nilalang. Tanging Diyos lamang ang makapagbibigay-kasiyahan sa kaluluwa ng isang imortal na likha ayon sa wangis ng Diyos. Sa kanyang Confessions, ipinahayag ni Augustine ang kanyang damdamin sa Diyos nang isinulat niya:
Ikaw ay nagliwanag, Ikaw ay nagningning;
at inalis mo ang aking pagkabulag.
Ikaw ay humalimuyak;
at aking nalanghap at nanabik para sa Iyo.
Natikman ko, at ngayon ay gutom at uhaw sa Iyo.
Hinipo mo ako;
at ako ay nanabik sa Iyong pagyakap.
Wala nang ibang makakapagbigay-kasiyahan sa iyong kaluluwa. Hindi ang pag-aasawa. Hindi anak. Hindi kayamanan. Hindi bagay. Hindi bagong kotse. Hindi bakasyon. Hindi ang pangarap na bahay. Hindi isport o libangan. Hindi sekswal na kasiyahan. Hindi pagkain. Hindi alak. Hindi isang magandang katawan. Hindi plastic surgery. Hindi pagreretiro. Hindi paglisan sa malayong lugar. Wala kahit ano. Tanging Diyos. Diyos lamang.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 5-araw na gabay na ito mula sa Mga Awit 63 ay ipinapaliwanag ang pusong sumasamba ni David. Malalaman mo na tayo ay buhay na handog para sambahin ang Diyos nang buong puso, malaya at madamdamin. Sinamba ni David ang Diyos dahil alam niya kung gaano siya kamahal Nito. Ang matinding pag-ibig ni David mula sa Diyos ang pinagmulan ng kanyang puso para sa Diyos. Ang gabay na ito ay hihimukin ka upang magkaroon ng isang pusong sumasamba.
More