Pusong SumasambaHalimbawa
Madamdaming Sumasamba
Damang-dama ni David na mahal siya ng Diyos. Sa katunayan, ito ang nasa likod ng kadakilaan ni David. Dahil nadama niya ang malalim na pag-ibig ng Diyos, si David ay madamdaming sumasamba. Dahil nadama niyang mahal siya ng Diyos, ipinagkakatiwala ni David sa Diyos ang matitinding problelma, tulad ng pakikipaglaban sa higanteng si Goliath. Dahil nadama niyang mahal siya ng Diyos, pinaniniwalaan niya ang biyaya at kapatawaran ng Diyos nang siya ay nagkasala nang gayun na lamang.
Dahil nadama niyang mahal siya ng Diyos, naisulat niya ang mga tulad nito:
"Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang. Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang. Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay; at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan."
Ang pagpapahalaga ni David sa malalim na pagmamahal mula sa Diyos ay pinagmumulan ng kanyang puso para sa Diyos. Nadama ni David na mahal siya ng Diyos at ganito na ang kanyang panalangin: "Panginoon, ang iyong pag-ibig ay mas mainam pa kaysa sa buhay. Panginoon, mas mahalaga sa akin ang iyong pagmamahal kaysa buhay. Panginoon, kung kailangan kong pumili sa iyong pagmamahal at sa buhay, pinipili ko ang iyong pagmamahal. Mas gugustuhin kong mamatay kaysa hindi makamtan ang iyong pagmamahal."
Para kay David, hindi lang ito usapang relihiyon. Hindi lang ito isang teorya. Nanganganib ang buhay ni David. Subalit siya ay sumigaw, "Panginoon, ang iyong pag-ibig ay higit na mahalaga sa akin kaysa sa buhay."
Si St. Augustine ay minsang nagtanong: kung dumating sa iyo ang Diyos at nag-alok na tugunan ang lahat ng iyong pangangailangan, ngunit sinabi sa iyo na kailanman ay hindi mo na siya makikita, paano ka tutugon?
Para kay David, ito ay hindi na pinag-iisipan. Kay David, ang matatag na pag-ibig ng Diyos ay mas mabuti kaysa buong buhay. Ano naman ang masasabi mo rito? Natikman mo na ba ang mayamang pagyakap sa pag-ibig ng Diyos? Nakaniig mo na ba ang walang humpay na pagmamahal ni Jesus? Ang pagmamahal ba niya sa iyo ay labis-labis at kahanga-hanga? Panginoon, ang iyong pag-ibig ay mas mabuti kaysa sa buhay. Sa kadahilanang ito, pupurihin Kita.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 5-araw na gabay na ito mula sa Mga Awit 63 ay ipinapaliwanag ang pusong sumasamba ni David. Malalaman mo na tayo ay buhay na handog para sambahin ang Diyos nang buong puso, malaya at madamdamin. Sinamba ni David ang Diyos dahil alam niya kung gaano siya kamahal Nito. Ang matinding pag-ibig ni David mula sa Diyos ang pinagmulan ng kanyang puso para sa Diyos. Ang gabay na ito ay hihimukin ka upang magkaroon ng isang pusong sumasamba.
More