Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pusong SumasambaHalimbawa

Heart Of Worship

ARAW 1 NG 5

Pananabik sa Diyos nang Buong Puso 

Naririnig mo ba ang puso ni David sa panalanging ito? Ang kanyang damdamin, pananabik at pagnanais sa Diyos? Ito ba ay pumupukaw sayo? Tila may ginigising sa iyong puso? Ang dahilan kung bakit kapansin-pansin ang awit na ito ay ang sitwasyon sa likod nito. Tumatakas si David, palayo mula sa kanyang sariling anak, palayo para sa kanyang sariling buhay. 

Kaya mo bang isipin ang kanyang sira at namimighating puso? Sariling niyang anak. Ngunit narito siya, nanabik sa Diyos nang buong puso. 
"O Diyos, ikaw ang aking Diyos." Sabi ni David, "Ang buong mundo ko ay gumuho, ngunit ikaw parin ang aking Diyos. Ikaw ang Makapangyarihang Diyos. Ikaw ang aking Pastol. Ikaw ang aking Diyos na patuloy akong sasamahan." "Masigasig kitang hinahanap." Hindi pansamantala, hindi matamlay, ngunit madamdamin, nag-aalab at buong puso. Ito ay hindi relihiyosong ritwal. Ito ay hindi tungkulin. 

Ito ay pagsintang pag-ibig. Ang buong kaharian ay nanganganib, tulad ng buhay ni David. Ngunit naririto siya, hinahanap ang Diyos nang buong puso. Hindi ba ito kadakilaan ni David, itong madamdaming puso para sa Diyos? 

  "Ang uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad; para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas." Walang tubig sa disyerto ng Judea, at ang uhaw ni David sa tubig ay larawan ng kanyang pagka-uhaw sa Diyos. Sinasabi niya, "Panginoon ikaw lamang ang makakapagbigay kasiyahan sa mga pagnanais ng aking kaluluwa." Naaalala ko si Mother Teresa, na dumadaan sa panahon ng tag-tuyot sa kanyang buhay espirituwal ngunit may damdamin pa rin kay Cristo at nagdasal ng: "Gusto kong ibigin ka, Jesus, nang walang katumbas." Anong mga puso para sa Diyos. Bakit may mga taong bihira ang damdamin para kay Cristo? Hindi ko alam. 

Sa huli, ang ganitong uri ng puso para sa Diyos ay kaloob. Ang bawat mabuting bagay ay kaloob mula sa Diyos, ngunit maaari mong hilingin ang ganitong kaloob. Panginoon, bigyan mo ako ng ganitong uri ng puso para Sa Iyo. Ang ganitong uhaw para Sa Iyo. 

Ganitong pag-ibig para Sa Iyo. 
 

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Heart Of Worship

Ang 5-araw na gabay na ito mula sa Mga Awit 63 ay ipinapaliwanag ang pusong sumasamba ni David. Malalaman mo na tayo ay buhay na handog para sambahin ang Diyos nang buong puso, malaya at madamdamin. Sinamba ni David ang Diyos dahil alam niya kung gaano siya kamahal Nito. Ang matinding pag-ibig ni David mula sa Diyos ang pinagmulan ng kanyang puso para sa Diyos. Ang gabay na ito ay hihimukin ka upang magkaroon ng isang pusong sumasamba.

More

Nais namin pasalamatan si Jeff Wells kaagapay ng El Centro Network para sa gabay na ito. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang: http://www.jeffhwells.com at http://elcentronetwork.com