Pusong SumasambaHalimbawa
Isang Lugar sa Pagsamba
Ang ilan sa mga awit ay makahulugan para sa akin, gaya ng Mga Awit 23, 27, 34, 46, 86, 103, 121, at 125, ngunit sa lahat, ang paborito ko ay ang Awit 63. Saan pa sa Biblia ka makakakita ng isang madamdaming puso para sa Diyos, lalo na sa mga unang lima o anim na bersikulo? Ang bersikulo 2 ay tila nakakagulat.
Ano ang ibig sabihin ni David sa pagsasabing, "Hayaan mong sa santuwaryo ika'y aking mapagmasdan?" Si David ay nasa disyerto ng Judea, tumatakas mula sa kanyang anak para sa kanyang sariling buhay. Walang santuwaryo sa disyerto. Si David ba ay tumutukoy sa tabernakulo sa Jerusalem? Palagay ko ay hindi. Ang santuwaryo ay isang lugar upang lumapit sa Diyos, at kailangang kailangan ni David na humanap ng santuwaryo sa disyerto, isang pribadong santuwaryo sa ilalim ng mga bituin, isang lugar kung saan siya maaaring makipag-usap sa kanyang Diyos at sumamba.
Higit sa lahat, si David ay isang sumasamba. Hindi siya makapaghintay na sumamba. Hindi niya kayang hindi sumamba. Kailangan niyang makatagpo ng santuwaryo sa disyerto, isang lugar kung saan siya makakalapit sa Diyos, isang lugar upang makita ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos.
Ano ang sa iyo? Ikaw ba ay isang sumasamba? Saan ka man naroroon, sa bahay, sa kotse, sa airport, sa isang golf course, o sa isang silid man ng hotel, nakakahanap ka ba ng isang santuwaryo, isang lugar upang sumamba at magdasal at umawit at makinig? Nakakakita ka ba ng lugar upang mapalapit sa kabanalan at makipag-usap sa Diyos?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 5-araw na gabay na ito mula sa Mga Awit 63 ay ipinapaliwanag ang pusong sumasamba ni David. Malalaman mo na tayo ay buhay na handog para sambahin ang Diyos nang buong puso, malaya at madamdamin. Sinamba ni David ang Diyos dahil alam niya kung gaano siya kamahal Nito. Ang matinding pag-ibig ni David mula sa Diyos ang pinagmulan ng kanyang puso para sa Diyos. Ang gabay na ito ay hihimukin ka upang magkaroon ng isang pusong sumasamba.
More