Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pusong SumasambaHalimbawa

Heart Of Worship

ARAW 4 NG 5

Sumamba nang Malaya 

 Marahil ang ideya ng pagtataas ng iyong kamay sa pagsamba ay kakaiba para sa iyo. Wala ito sa iyong naging karanasan. Hindi ka sanay dito, at hindi ito natural para sa iyo. Ayaw mong maramdamang ikaw ay pinipilit na itaas ang iyong kamay. Hindi ka ganoon. Ang lahat ng iyan ay naiintindihan, ngunit may iba pang dapat sabihin. Sa iyong kaibuturan, may mga pagkakataon na nais mong itaas ang iyong mga kamay sa Diyos. 

May mga pagkakataon na gusto mong itaas ang iyong mga kamay sa Diyos dahil ito ang likas na pagpapakita ng kagalakan at pagsamba ng iyong puso. May nadarama ka, isang bagay na malalim sa iyong puso. May nadarama ka sa iyong kalooban, at nais mong maipahayag ang damdamin ng galak at papuri. Nais mong magbigay ng pahayag gamit ang iyong boses at iyong mga kamay. Gusto mong itaas ang iyong mga kamay hanggang sa langit, o nais mong pumalakpak, tumayo, lumuhod, o sumayaw. Nais mong ipahayag ng iyong buong pagkatao—puso, tinig at katawan—ang nadarama mo sa iyong kalooban, ang malalim mong papuri at kagalakan. 

Isipin ang isang larong football. Ito na ang kampeonato. Ang laban ng koponan ay maigting, mataas na ang tensyon. Ang puntos ay patas. Ang mga huling segundo ay nalalapit na. Ang iyong koponan ay gumalaw ng isang desperadong pasa sa end zone at nakapuntos. Sila ay nanalo at ang lahat ay nagbunyi. Mga kamay ay nagsitaasan. Ang mga tao ay sumigaw at umungol, pumalakpak at umugong nang malakas. Hindi ito isang simpleng palakpakan tulad sa golf. Walang taong nakaupo sa kanilang mga kamay. Siyempre hindi! Nais nating maipahayag ang damdamin ng ating puso. Ito ay ganap na normal at angkop. Ganito tayo ginawa ng Diyos. Kapag ako ay nasa katipunan ng mga taong sumasamba sa Diyos, may mga pagkakataong lubos ko itong nadarama kaya nais kong itaas ang aking mga kamay sa Diyos habang itinataas ko ang aking tinig sa Kanya. Ito ay tamang pakiramdam. Ito ay magandang pakiramdam. Nadarama ang layon ng Diyos na madama ito. Huwag kang mapilitan. Malaya mong damhin ito. Bigyang tinig ang papuri at kagalakang nadarama mo sa iyong puso. 

    

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Heart Of Worship

Ang 5-araw na gabay na ito mula sa Mga Awit 63 ay ipinapaliwanag ang pusong sumasamba ni David. Malalaman mo na tayo ay buhay na handog para sambahin ang Diyos nang buong puso, malaya at madamdamin. Sinamba ni David ang Diyos dahil alam niya kung gaano siya kamahal Nito. Ang matinding pag-ibig ni David mula sa Diyos ang pinagmulan ng kanyang puso para sa Diyos. Ang gabay na ito ay hihimukin ka upang magkaroon ng isang pusong sumasamba.

More

Nais namin pasalamatan si Jeff Wells kaagapay ng El Centro Network para sa gabay na ito. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang: http://www.jeffhwells.com at http://elcentronetwork.com