Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tama Na: Patahimikin ang Mga Kasinungalingang Nagnanakaw ng Iyong KumpiyansaHalimbawa

Enough: Silencing Lies That Steal Your Confidence

ARAW 7 NG 7

Higit Pa sa Sapat

Ang mga mapanlait na salita mula sa ating kabataan ay nakaliligalig dahil sa bagay na ating inaakalang mahalaga, tulad ng pagbabalda ng walang-ingat na mga magulang, walang-pakundangang mga kaibigan, taklesang mga guro, at hindi nag-iisip na mga kasamahan. Gusto sana namin ng lalaki nang ipanganak ka…Isa kang pagkakamali; hindi namin kailanman ginustong magka-anak…Ayaw ka namin sa pangkat namin…Iyan na ba ang pinakamagaling mo?…May nakaupo na rito. Mga salitang umaalingawngaw, pinatutunayang tama ang hinala natin—wala tayong halaga. 

Heto ang katotohanan. Lahat tayo ay may mga depekto at pagkukulang. Alam ng Diyos ang bawat isa sa mga ito; Alam Niya maging ang sanhi ng mga ito. Ngunit pinili ka pa rin Niya. Pinili ka Niya bago ka pa ipinanganak. Pag-isipan ang sinabi ng Diyos kay Jeremias: “Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa” (Jeremias 1:5).

Matagal na bago pa likhain ng Diyos ang sanlibutan, naisip ka na Niya. Ipinasya Niyang gawin kang miyembro ng Kanyang pamilya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo at pagtuunan ng Kanyang pagmamahal. Bakit? Dahil nagalak Siyang gawin ito (Mga Taga-Efeso 1:5).

Hindi lang na kilala ka ng Diyos bago ka ipanganak at piniling maging anak Niya, inatasan ka Niya na magbunga. Sabi ni Jesus, “Hindi ninyo ako pinili, kayo ang pinili ko. Pinili ko kayo upang kayo'y magbunga at manatili ang inyong bunga upang ang anumang hingin ninyo sa Ama, sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo.” (Juan 15:16).

Binalak din ng Diyos ang tumpak na panahon at lugar sa kasaysayan ng iyong kapanganakan. Sinulat ni Pablo ang, “Mula sa isang tao'y nilikha niya ang lahat ng lahi sa buong mundo. Itinakda niya sa simula't simula pa ang kani-kanilang panahon at hangganan.” (Mga Gawa17:26).

Hindi mo maaaring sabihing ikaw ay walang halaga di ba? Imposible. Iyon lamang sabihing ikaw ay ginawa sa larawan ng Diyos ay salungat na dito. Sinulat ni C. S. Lewis sa katha niyangThe Weight of Glory, ang “Walang ordinaryong tao. Wala ka pang nakikilalang tao lamang.” At hindi ka isang ordinaryong tao! 

Gumugol ng panahon ngayong pasalamatan ang Diyos para sa iyong dakilang halaga.

***

Umaasa kaming nagustuhan mo ang gabay na itoTama Na: Patahimikin ang Mga Kasinungalingang Nagnanakaw ng Iyong Kumpiyansa ni Sharon Jaynes. At may higit pang matutuklasan patungkol sa pagtanggi sa mga kasinungalingan at pagpapalit sa mga ito ng mga katotohanan ng Diyos! Malaman ang higit pa sa here. 

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Enough: Silencing Lies That Steal Your Confidence

May mga tinig ba sa iyong isip na nagsasabing hindi ka sapat, sapat na matalino, sapat na maganda...basta lang hindi sapat. Isinisiwalat ng popular na manunulat at tagapagsalitang si Sharon Jaynes ang mga kasinungalingang naglulugmok sa'yo sa kahihiyan, kawalang-kapanatagan, at damdaming may kulang sa'yo. Patahimikin ang mga kasinungalingang nagsasabing hindi ka sapat, at yapusin ang iyong hindi kapani-paniwalang halaga bilang isang babaeng natatangi ang pagkakalikha at minamahal ng Makapangyarihang Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Sharon Jaynes at ang Harvest House Publishers para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.harvesthousepublishers.com/books/enough-9780736973540