Tama Na: Patahimikin ang Mga Kasinungalingang Nagnanakaw ng Iyong KumpiyansaHalimbawa
Patahimikin ang Mga Kasinungalingang Nagnanakaw ng Iyong Kumpiyansa
Anong gagawin mo kung ang mga katagang, “Hindi ako sapat” ay nakadikit na sa iyong isip? Kung ang mga kasinungalingan ng Kaaway ay lumilikha na ng mga limitasyon sa'yong buhay? Kapag ang mga nakapanliliit na kutya ng demonyo ay tila alambreng tinik na nagkukulong sa'yo at humahadlang sa pinakamainam na mayroon ang Diyos para sa'yo. Mayroon bang mga kasinungalingang paggulong-gulong sa iyong isipan gaano ka man kadesperadong paalisin ang mga ito? May mga pagsisisi ka bang sintaas ng isang tumpok ng di pa nababasang mga aklat? Kung oo, tatalakayain natin iyan sa pitong-bahaging babasahing gabay na ito.
Ang labanan para mapalitan ang awit sa aking isipan ay nagsimula nang ako'y bandang tatlumpung taong gulang na, sa ilalim ng pagtuturo ng isang nakatatandang babae sa aming simbahan. Binuksan niya ang aking mga mata sa mga katotohanang saad sa Banal na Kasulatan patungkol sa kung sino ako, ano ang mayroon ako, at kung nasaan ako (aking posisyon) bilang isang anak ng Diyos. Nabasa ko na ang mga siping iyong nagkalat sa Banal na Kasulatan noon, ngunit nang hikayatin niya akong ikumpol silang lahat na magkakasama sa isang listahan, nagpasimula ang Diyos ng bagong pagkilios sa aking puso.
Ikaw ay hinirang.
Ikaw ay pinili.
Ikaw ay mahal na mahal.
Ikaw ay banal.
Ang mga katotohanang ito ay naroon nakatitik sa mga pahina ng aking Biblia na itim at puti, at mangilan-ngilan na pula.
Ikaw ay pinagkasundo sa pamamagitan ng buhay ni Cristo.
Ikaw ay napawalang-sala sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.
Ikaw ay hindi hahatulang maparusahan sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo.
Ikaw ay may pag-iisip ni Cristo.
Alam kong ang mga bersikulo ang hindi mapasusubaliang Salita ng Diyos, ngunit naiilang akong marinig ang mga ito, basahin ang mga ito, paniwalaan ang mga ito. Parang hindi tama ang pakiramdam. Hindi tama sa pandinig. Talagang hindi ako komportable sa mga ito.
Ngunit kailangan kong mamili. Maniniwala ba akong nagsabi ng totoo ang Diyos? Sinikap kong matutunan ang mga bersikulo at makipagtulungan sa Espiritu Santo upang mabago ang pananaw ko sa aking sarili, ngunit ito'y isang pakikipagpunyagi…isang labanan. Kaya't nag-isip akong stratehiyang panlaban—isang plano upang magapi ang mga kasinungalingan ng Kaaway gamit ang katotohanan ng Salita ng Diyos.
Sa ilang susunod na araw tutuklasin natin kung paanong patatahimikin ang kritiko sa loobang bumibihag sa atin—patahimikin ang mga kasinungalingang nagnanakaw ng ating kumpiyansa. Bubuwagin natin ang mga pader na humahadlang sa pinakamainam na mayroon ang Diyos para sa atin at mas lalapit sa banayad at maliit na tinig na tumatawag sa atin sa higit pa.
Handa ka bang paniwalaang ikaw ay kung sino ang sinasabi ng Diyos na ikaw, gaano man ito kaganda, kalakas, at lakas ng loob nito?
***
Ang babasahing gabay na ito ay hango sa aklat na Enough: Silencing the Lies That Steal Your Confidence ni Sharon Jaynes. Upang malaman ang higit pa, mangyaring bisitahin ang here.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
May mga tinig ba sa iyong isip na nagsasabing hindi ka sapat, sapat na matalino, sapat na maganda...basta lang hindi sapat. Isinisiwalat ng popular na manunulat at tagapagsalitang si Sharon Jaynes ang mga kasinungalingang naglulugmok sa'yo sa kahihiyan, kawalang-kapanatagan, at damdaming may kulang sa'yo. Patahimikin ang mga kasinungalingang nagsasabing hindi ka sapat, at yapusin ang iyong hindi kapani-paniwalang halaga bilang isang babaeng natatangi ang pagkakalikha at minamahal ng Makapangyarihang Diyos.
More