Tama Na: Patahimikin ang Mga Kasinungalingang Nagnanakaw ng Iyong KumpiyansaHalimbawa
Unawain ang Tunay na Pagkakilanlan ng Kaaway
Tinawag siya ni Jesus na “ama ng kasinungalingan” (John 8:44). Tinawag siya ni Pablo na “ang diyablo” (Pahayag 12:9) at “ang umuusig” (12:10). Anuman ang itawag mo sa kanya, ang kaaway ang nagsasabi sa ating hindi tayo sapat at hindi kailanman magiging sapat…at hindi ito totoo. Ang katotohanan ay na dahil sa natapos nang gawin ni Jesu-Cristo sa krus at ng Espiritu Santo sa iyo, ikaw ay sapat.
Hindi kayang alisin ng diyablo ang mga pangako ng Diyos. Hindi niya kayang baguhin ang katotohanan ng kung sino ka at ng mayroon ka kay Cristo. Ngunit maaari niyang lagyan ng tandang pananong ang mga pangakong iyon upang pag-alinlanganan mo kung totoo para sa iyo ang sinasabi ng Kanyang Salita. Maaari niyang lagyan ng tandang pananong ang mga utos ng Diyos upang pag-alinlanganan mo kung ang Kanyang mga pangako ay may saysay pa rin ngayon. Kahit kailang may kaisipan kang nagsisimula sa, “Totoo bang sinabi ng Diyos…” kailangan mong tumigil at tanungin ang iyong sarili, Saan nanggaling ang kaisipang iyan? Karamihan sa mga pasya nating naglalayo sa atin mula sa landas ng perpektong plano ng Diyos ay nagsisimula sa katanungang ito, tulad ng nangyari kay Eva(Genesis 3:1).
Kailangan nating malaman kung sino ang Kaaway at unawain kung paano siya gumalaw. Ginagawa niya ang tulad na tulad ng ginawa niya kay Adan at Eva sa Hardin sa iyo at sa akin. Kinukuha niya ang mga pangako ng Diyos, tulad ng ,Ako ay minamahal niya at pinili, at babaluktutin sa iyong isipan upang maging, Minamahal niya at pinili? Magagawa ko ba ang lahat dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo? Hindi na ako hahatulang maparusahan?
Pagka nabatid mong nilalagyan mo ng tandang pananong ang mga pangako ng Diyos, sunggaban ito nang dalawang kamay at hatakin ito nang maging tandang padamdam!
Ako ay minamahal at pinili!
Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo!
Ako ay hindi na hahatulang maparusahan!
Anong mga kasinungalingan ang iyong pinaniniwalaan patungkol sa'yong sarili?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
May mga tinig ba sa iyong isip na nagsasabing hindi ka sapat, sapat na matalino, sapat na maganda...basta lang hindi sapat. Isinisiwalat ng popular na manunulat at tagapagsalitang si Sharon Jaynes ang mga kasinungalingang naglulugmok sa'yo sa kahihiyan, kawalang-kapanatagan, at damdaming may kulang sa'yo. Patahimikin ang mga kasinungalingang nagsasabing hindi ka sapat, at yapusin ang iyong hindi kapani-paniwalang halaga bilang isang babaeng natatangi ang pagkakalikha at minamahal ng Makapangyarihang Diyos.
More