Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MatatagHalimbawa

Adamant With Lisa Bevere

ARAW 6 NG 6

Sinasabi ng Diyos sa iyo, "Ikaw ang Aking katatagan." Hindi mahalaga kung hindi mo nararamdaman ang katatagan sa ngayon; ikaw ay nababalot ng hindi nasisirang gawa ni Cristo. Pakinggan mo ang ilang mga bagay na ipinapahayag ng Diyos sa iyo ngayon: 

Ikaw ang aking katatagan, matibay ngunit maliwanag—nakatingin ang mga tao sa iyo at nakikita nila si Cristo. 

Ikaw ang Aking katatagan—ang Espiritu ni Cristo ang nananahan sa iyo upang hindi ka matinag at hindi ka matigatig. 

Ikaw ang Aking katatagan—may nag-aapoy na kaluluwa ka!

Naparito si Jesus upang tayo ay bautismuhan ng Espiritu Santo at ng apoy. Ito ang bautismo na kailangan nating matanggap. Noong tayo ay naging mga Cristiano, ang ating mga pusong walang buhay ay binuhay ng nag-aapoy na kinang ng Kanyang walang hanggang pag-ibig. 

Hindi mo batid kung paano ka sa espiritu. Iniisip mong nagsasabi ka lamang ng mga salita, ngunit nag-aapoy na ang iyong mga salita! Nagsasabi ka ng mga bagay na naghihiwalay sa pamamagitan ng liwanag at katotohanan ng kasinungalingan ng kaaway na matagal nang nasa mga tao. Nag-aapoy ang iyong mga sinasabi na nakatutunaw sa mga kadena. Kailangan mong tumayo sa katotohanang iyan. 

Ang kaloob sa iyong buhay ay parang apoy. Huwag mong hayaang mamatay ito. Hingahan mo ang baga at hayaan mong maging isang malaking lagablab! Kinakailangan ng ibang tao ang apoy na nagliliwanag sa iyo at mula sa iyo, dahil ikaw ay Kanyang anak, muling nabuhay sa Kanyang kalikasan. 

Nangungusap sa iyo ang Diyos ayon sa kung magiging sino ka, hindi kung ano ka ngayon. Napakalaki ng pananampalataya Niya sa Kanyang plano sa buhay mo. Dahil dito, ano ang mga bagay na kailangan mo nang tigilan (o simulan) sa pagsasabi sa sarili mo?

Kung nagustuhan ninyo ang pagbabasa ng gabay na ito, hinihikayat ko kayong maging mas malalim pa sa pamamagitan ng pagsuri sa aking bagong aklat Adamant: Finding Truth in a Universe of Opinions.

Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Adamant With Lisa Bevere

Ano ang katotohanan? Sang-ayon ang kultura sa kasinungalingan na ang katotohanan ay isang ilog, umuurong at dumadaloy kasabay ng pagdaan ng panahon. Ngunit ang katotohanan ay hindi isang ilog - ito ay isang bato. At sa nagngangalit na karagatan ng mga opiniyon, ang gabay na ito ay tutulong sa iyo na maiangkla ang iyong kaluluwa—at magbibigay sa iyo ng malinaw na direksyon sa isang nagpapagala-galang mundo.

More

Nais naming pasalamatan sina John at Lisa Bevere sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://iamadamant.com