Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MatatagHalimbawa

Adamant With Lisa Bevere

ARAW 1 NG 6

Ilang siglong hinahanap ng mga tao ang isang sangkap na tinatawag nilang adamas. Ang hindi tiyak na batong ito ay makapangyarihan, nakahahalina, makinang, at hindi raw kayang sirain. Iniisip ng mga may kapangyarihan na kung matatagpuan nila ito, magagamit nila ito sa paggawa ng mga sandata at baluti upang walang makadaig sa kanila. Sa loob ng ilang daang taon, nakipagsapalaran ang mga bayani sa paghahanap ng mahiwagang batong ito. 

Gusto ko ang ideyang ito. May nakakaakit sa mga pakikipagsapalaran at sa mga batong may kapangyarihan, ngunit wala nang naghahanap ng mga mahiwagang bato ngayon. Iba na ang hinahanap. Hindi na ang isang hindi-tinatalabang mineral ang hinahanap ng mundo; ang hinahanap nila ay ang "hindi-matatalabang" at hindi nagbabagong katotohanan.

Sa kaibuturan natin, ang ninanais natin ay iyong matatag, iyong hindi nagbabago. Maging si Poncio Pilato ay nagtanong kay Jesus, "Ano ba ang katotohanan?" Para sa marami, ito ay isang mahirap na katanungan—at sa napakahabang panahon na, hinayaan nating walang kasagutan ito.

Nabubuhay tayo sa panahong kailangan natin ng mga saligang pag-uusap, saligang mga relasyon, at isang saligang koneksyon sa Salita ng Diyos, na siyang katotohanan. Isa tayong henerasyong binawian ng pagkamangha, at kadalasan ay nauuwi na lamang sa mga hungkag na layunin, hindi mapakali sa isang ilog na tinatawag na katotohanan. 

Ngunit ang katotohanan ay hindi isang ilog. Ito ay isang bato. 

Sa kalagitnaan ng mga kalituhan at paghahambing na ito, kailangan nating bumaling kay Jesus. Siya ang ating Bato, ang ating Katatagan: hindi natitinag at hindi nayayanig. Tayo ay inaanyayahang iayon ang ating mga buhay sa Kanya—hindi lamang sa Kanya bilang pamantungan kundi sa Kanya mismo—bilang ating matibay na pundasyon. Siya lamang ang mapagtitiwalaang mapagtatayuan sa isang mundong nagkalat ang graba. 

Kapag ginawa natin ito, ginagawa Niya tayong matibay, katulad Niya. Siya ang batong-panulukan, ngunit tayo rin ay mga batong buháy, kabahagi Niya sa isang espirituwal na tahanang nagsisilbing masisilungan at kanlungan para sa lahat ng nayayanig sa ating pabago-bagong mundo. 

Ito ay bahagi ng ating pagkakatawag bilang mga Cristiano—manindigan nang matibay sa katotohanan, hindi lamang para sa ating ikabubuti, kundi para sa ikabubuti rin ng mga taong naghahanap ng mapagtatayuan ng kanilang mga buhay. 

Ano ang ibig sabihin sa iyo ng si Jesus ang Bato? Saang mga bahaging nalusaw na ang katotohanan sa mundo mo?

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Adamant With Lisa Bevere

Ano ang katotohanan? Sang-ayon ang kultura sa kasinungalingan na ang katotohanan ay isang ilog, umuurong at dumadaloy kasabay ng pagdaan ng panahon. Ngunit ang katotohanan ay hindi isang ilog - ito ay isang bato. At sa nagngangalit na karagatan ng mga opiniyon, ang gabay na ito ay tutulong sa iyo na maiangkla ang iyong kaluluwa—at magbibigay sa iyo ng malinaw na direksyon sa isang nagpapagala-galang mundo.

More

Nais naming pasalamatan sina John at Lisa Bevere sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://iamadamant.com