Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MatatagHalimbawa

Adamant With Lisa Bevere

ARAW 4 NG 6

Gusto mo bang maging sikat . . . o gusto mong maging maimpluwensya? 

Ang pagiging sikat at pagiging maimpluwensya ay tila magkapareho, ngunit sila ay magkaiba. Upang maging sikat ay kinakailangan mong sundin ang masa o sabihin mo sa kanila ang gusto nilang marinig. Ngunit ang impluwensya ay nag-aanyaya sa iyong tumayo sa katotohanan hiwalay sa karamihan ng tao.

Sa kaibuturan nito, ang katotohanan ay hindi ano, kundi sino, dahil sinabi ni Jesus na Siya ang katotohanan. Sinabi rin ni Jesus na ang Salita ng Diyos ay katotohanan. Gusto ng mundong isipin na ang katotohanan ay paiba-iba at depende sa kung anu-anong bagay, ngunit ang katotohanan na nakabatay sa katauhan ni Jesus at sa Salita ng Diyos ay hindi nagbabago kailanman. Sa isang mundong puno ng mga opinyon, ang katotohanan ng Diyos ay nagdadala sa atin sa mga paniniwala na pinagsasaligan natin sa buhay. 

Kailangang maging maingat tayong pansinin ang pagkakaiba ng opinyon at ng paniniwala. Ang mundo natin ay hindi nangangailangan ng kaguluhang nagmumula sa napakaraming opinyon. Ang kailangan nito ay ang katatagang nagmumula sa katotohanan. Huwag na tayong dumagdag sa ingay na nakakagambala at humahadlang sa atin upang bumaling sa Banal na Kasulatan at sa Espiritu ng katotohanan.

Ang mga opinyon ay madaling gawin at madaling baguhin, ngunit ito ay mahirap ayusin kapag tayo ay naging pabaya sa pagkakalat nito. Maaari silang maging kalat na dumudungis sa buhay natin at sa buhay ng ibang tao. Kailangan nating bantayang mabuti ang ating mga salita upang matiyak nating tayo ay bahagi ng solusyon sa mga problemang maaari nating baguhin.

Hinahamon kitang isaayos ang iyong buhay at isaayos ang mga salitang sinasabi mo. Maging maingat sa mga binabasa, pinakikinggan, sinasabi, o isinusulat. Huwag ipamalita ang mga problema ng pamilya, o ang mga problema ng iglesia, sa buong mundo. Gayunman, huwag din manatiling tahimik tungkol sa mga ito: Makipag-usap sa iyong pamilya tungkol sa problema ng pamilya. Kung mayroong hindi naman kasali sa problema o sa solusyon, huwag na sila isali pa rito kung hindi naman kailangan. Lalo lamang nitong palalakihin ang problema sa halip na maayos ito. 

Paanong ang pananahimik tungkol sa mahahalagang bagay ay nagiging parang pagsang-ayon din dito? Anong ibig sabihin ng pagsasaayos ng iyong mga salita upang maging bahagi ka ng solusyon at hindi bahagi ng problema? 

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Adamant With Lisa Bevere

Ano ang katotohanan? Sang-ayon ang kultura sa kasinungalingan na ang katotohanan ay isang ilog, umuurong at dumadaloy kasabay ng pagdaan ng panahon. Ngunit ang katotohanan ay hindi isang ilog - ito ay isang bato. At sa nagngangalit na karagatan ng mga opiniyon, ang gabay na ito ay tutulong sa iyo na maiangkla ang iyong kaluluwa—at magbibigay sa iyo ng malinaw na direksyon sa isang nagpapagala-galang mundo.

More

Nais naming pasalamatan sina John at Lisa Bevere sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://iamadamant.com