MatatagHalimbawa
Ang iglesia ay madalas nagiging mabilis sa paghatol sa mga hindi mananampalataya pagdating sa kanilang mga kasalanan at pagkilos, ngunit hindi na dapat nakakagulat na ang mga taong hindi kilala ang Diyos ay kikilos na parang hindi nila kilala ang Diyos. Ang dapat nating intindihin, unang-una, ay kung tayo ay namumuhay ng isang banal at nabagong buhay. Habang nagsisikap tayong magpatuloy sa Diyos, maaari tayong humingi ng karunungan upang maihayag ang Kanyang kabutihan sa ating mundo sa paraang maaakit din silang hanapin ang sarili nilang pagbabago sa pamamagitan Niya.
Bilang mga anak ng Diyos, tayo ay nilikhang muli kay Cristo upang maging kasing tigas ng diamante ngunit kasing lambot ng bulaklak.
Nabubuhay tayo sa isang mundong tinutupad ang isinulat ni Pablo sa Mga Taga-Roma 1. Napakarami sa ating tinalikuran ang kaalaman at presensya ng Diyos at hindi na nakikilala ang Kanyang pangunahing disenyo para sa sangkatauhan.
Ngunit tanungin mo ang sarili mo, may nabago ba ang paghihinagpis mo dahil sa kasamaan ng ating mundo ngayon? Sa kasamaang palad, mas nakilala tayo sa kung anong ayaw natin kaysa sa kung anong sinasang-ayunan natin. Ang kabanalan at pagbabagong hinahanap natin sa ating kultura ay hindi magaganap sa pamamagitan ng ating paghatol at pagpaparusa rito, kundi sa pamamagitan ng paglutas sa ating mga sariling isyu at pagkatapos ay pagkakaloob ng kabutihan, awa, at pag-asa ng Diyos sa mga nangangailangan nito.Ang kabutihan ng Diyos ay laging isang paanyaya sa ating bumalik sa katotohanan, sa halip na pagtataguyod ng kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan natin ng karunungan. Kung minsan, kumikilos tayo na tila mas mabuting magsabi na ang kasalanan ay hindi kasalanan dahil ayaw nating mapahiya ang mga tao. Subalit, kailangang maging handa tayong tawagin ang kasalanan na kasalanan, ngunit gawin natin ito sa paraang makapagbibigay ng pag-asa sa halip na kahatulan.
Ang kabanalan sa ating kultura ay nagsisimula sa ating pagbibigay ng ating buong sarili sa Diyos. May henerasyong kailangang-kailangan ng pagbabago, at hinihintay nilang makita ito sa atin.
Sinasabi ng Diyos na paghihilumin Niya ang lupain kapag ang Kanyang bayan ay nagpakumbaba at nanalangin, hindi kapag ang lahat ay naayos sa pamahalaan ng lupaing iyon. Ano ang ibig sabihin nito sa iyo?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ano ang katotohanan? Sang-ayon ang kultura sa kasinungalingan na ang katotohanan ay isang ilog, umuurong at dumadaloy kasabay ng pagdaan ng panahon. Ngunit ang katotohanan ay hindi isang ilog - ito ay isang bato. At sa nagngangalit na karagatan ng mga opiniyon, ang gabay na ito ay tutulong sa iyo na maiangkla ang iyong kaluluwa—at magbibigay sa iyo ng malinaw na direksyon sa isang nagpapagala-galang mundo.
More