Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MatatagHalimbawa

Adamant With Lisa Bevere

ARAW 3 NG 6

Kapag tinatanggap natin ang pag-ibig ng Diyos, ang pinakanatural at kinakailangang tugon ay ang magbigay ng pag-ibig. Nararapat na tayo ay magmahal nang walang takot, nang may katagumpayan, at nang walang hanggan. Ang tunay na katibayan ng isang taong batid na siya ay minamahal ay ang kanyang mabuting pagmamahal. 

Ang Diyos ay walang pag-ibig; Siya ay pag-ibig. Ang pag-ibig ang tunay na kalikasan Niya. At dahil ang Diyos ay pag-ibig, hindi mo Siya kayang patigilin na mahalin ka. Ang Kanyang pag-ibig ay hindi magagapi at hindi matitinag, hindi natitigatig sa iyong mga pagtaas at pagbaba. 

Ngunit dahil mahal ng Diyos ang lahat ng tao, hindi Niya maaaring mahalin ang lahat ng bagay. Dahil ang Diyos ay matatag sa Kanyang pag-ibig, kailangang maging matatag din Siya sa pagkamuhi. 

Maaaring ito ay magkasalungat sa unang tingin, ngunit iyan ay dahil ang ating kultura ay sumasamba sa pag-ibig. Alam natin na ang Diyos ay pag-ibig, ngunit ginawa na ba natin ang ideya ng pag-ibig na isang diyos? 

Ang totoo ay, kinamumuhian ng Diyos ang nagwawasak sa pag-ibig. Kinamumuhian Niya ang sumisira sa mga minamahal Niya. Ito ang dahilan kung bakit kinamumuhian ng Diyos ang anumang nagpapasama sa ating pagkakakilanlan.

Sinasabi rin sa atin ng Banal na Kasulatan na kinamumuhian ng Diyos ang: lahat ng ikinokompromiso ang katarungan at katotohanan, kapag ang mga balo at ulila ay inaapi, ang pag-abuso sa mga matatanda at ang pagpapabaya sa pamilya, ang anumang nagpapasama sa Kanyang kabutihan at dinudungisan ang Kanyang mga kaloob, kapag ang pag-ibig ay nababaluktot at nagiging kasakiman at ang mga magkakaibigan ay nagiging magkakaaway, ang nagbabago sa Kanyang imahe at nagpapasama sa atin, kapag ang kasamaan ay tinatawag na mabuti at ang mga inosente ay pinapatay, at kapag ang kayabangan at pagmamataas ay nagpapahiya sa atin. Sa madaling salita, kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng nagpaparupok sa pag-ibig, dahil lahat ng nagmamaliit sa pag-ibig ay nagmamaliit sa atin. 

Hindi tayo maaaring magkaroon ng tunay na pag-ibig kung "minamahal nating lahat." Ang Diyos ay parehong matatag sa pag-ibig at pagkamuhi, kaya kailangan nating matutunang mahalin ang minamahal ng Diyos at kamuhian ang Kanyang kinamumuhian. 

Ano ang ilang mga paraan kung paanong ginawa ng kultura natin ang ideya ng pag-ibig na isang diyos? Minamahal ng Diyos ang lahat ng nilalang, ngunit hindi Niya minamahal ang lahat. Paano mo nakikita ang katotohanang ito sa iyong buhay? 

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Adamant With Lisa Bevere

Ano ang katotohanan? Sang-ayon ang kultura sa kasinungalingan na ang katotohanan ay isang ilog, umuurong at dumadaloy kasabay ng pagdaan ng panahon. Ngunit ang katotohanan ay hindi isang ilog - ito ay isang bato. At sa nagngangalit na karagatan ng mga opiniyon, ang gabay na ito ay tutulong sa iyo na maiangkla ang iyong kaluluwa—at magbibigay sa iyo ng malinaw na direksyon sa isang nagpapagala-galang mundo.

More

Nais naming pasalamatan sina John at Lisa Bevere sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://iamadamant.com