Magmahal Na Parang Hindi Ka Pa Nasaktan Kailanman ni Jentezen FranklinHalimbawa
Ika-Pitong Araw
Ang Oposisyon ay Humahantong sa Oportunidad
Banal na Kasulatan: Lukas 17:1
Ang mga pagdaramdam ay hindi maiiwasan. Walang hindi saklaw nito. Sa anumang paraan, lahat tayo ay nasasaktan, napipinsala, naiinsulto, napagtataksilan, nadadaya, naipapahiya, nalalapastangan o nawawala ang kayabangan.
Dahil ang pagdaramdam ay isang Biblikal na katotohanan, kailangang matutunan natin kung paano itong harapin.
Ang oposisyon ay maaaring maging dahilan upang harapin mo ang mga bagay at gawin ang mga bagay na hindi mo magagawa kung walang oposisyon. Mananalangin ka dahil sa oposisyon. Tatakbo kang patungo sa Diyos dahil sa oposisyon. Lalago ang iyong pananampalataya dahil sa oposisyon.
Maaaring kailangan mong simulang makita ang mga nakapagpasama ng loob sa iyo o ang nakasakit sa iyo bilang mga oportunidad upang dalhin ka ng Panginoon sa mas mataas na antas.
Ngayon mismo, ang Espiritu Santo ay hinihila ka papunta sa iyong bakuran. Paparating na Siya para sa iyo. Bumubulusok Siya patungo sa iyong tahanan na may dalang lunas sa iyong pusong nasaktan. Habang hinahatidan ito ng kapangyarihan ng muling pagkabuhay, ang Diyos ay handa nang idiin ito sa iyong puso upang muli kang buhayin. Handa Siyang buhayin ang anumang namatay sa iyo. Handa Siyang buhayin ang iyong buhay may-asawa. Handa Siyang buhayin ang iyong pamilya. Handa Siyang buhaying muli ang iyong espiritu.
Panahon na upang buhaying muli ang iyong puso.
Ang Malaking Kaisipan: Maaaring gamitin ng Diyos ang pinakamahihirap na sitwasyon upang palakasin ang mga pader ng iyong buhay may-asawa, ng iyong pamilya at ng iyong relasyon sa Kanya.
Kung nagustuhan ninyo ang 7-araw na debosyonal na ito mula kay Jentezen Franklin, suriin ang aklat ni Jentezen, Love Like You've Never Been Hurt .
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi isang lihim na ang mga taong pinakamalalapit sa atin ang siyang nakasasakit sa atin nang lubos. Lubhang naapektuhan ng pagtataksil, nagtatayo tayo ng mga pader sa paligid ng ating mga puso upang ingatan tayo mula sa dalamhati, ngunit ito rin ang mga pader na humaharang sa atin upang makita natin ang pag-asa, tumanggap ng kagalingan at makaramdam ng pagmamahal. Panahon na upang wasakin ang mga pader mo, paghilumin ang mga sugat, ayusin ang mga nasirang relasyon at tuklasin ang kapangyarihan ng isang bukas na puso.
More