Magmahal Na Parang Hindi Ka Pa Nasaktan Kailanman ni Jentezen FranklinHalimbawa
Ikatlong Araw
Pagbibilang Laban sa Kalimutang Magbilang
Banal na Kasulatan: Mateo 18:21–22
Isa sa pinakamakapangyarihang aral na itinuro ni Jesus ay patungkol sa pagpapatawad. Ibinigay Niya ito dahil nilapitan Siya ni Pedro at tinanong, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”
May hinala akong may nasa isip na tao si Pedro na pinatawad na niya ng anim na beses. Maaaring handa na siyang kalimutan ang taong ito. Ganito man o hindi ang pangyayari, naghahanap siya ng pormula.
Sinabi ni Jesus, "Hindi, hindi pitong beses. Pitumpung ulit na pito."
Hindi ako magaling sa matematika, ngunit kaya kong alamin ang ekwasyong ito. Ang sagot ay 490. Kung uunawain ko ito, ang ibig sabihin nito ay kailangan mong patawarin ang isang tao ng 490 beses sa isang araw. Napakaraming pagpapatawad niyan. Kung isang pagpapatawad ang gagawin sa kada tatlo o ilang minuto, maaring buong araw kang magpapatawad para sa isang tao lang!
Ngunit hindi ito tungkol sa mga numero. Binibigyan tayo ng bagong pormula sa matematika ni Jesus, isang bagong pangkat ng mga katotohanan upang tayo ay makalakad nang may pagpapatawad. Ang unang katotohanan ay: Ang pagpapatawad ay hindi tungkol sa pagbibilang. Ito ay ang paglimot sa pagbibilang.
Lahat tayo ay masasaktan sa anumang paraan. Bibiguin ka ng asawa mo. May magtsitsismis tungkol sa iyong buhay may-asawa. May magnanakaw ng pera mo. Maaaring may umagaw sa asawa mo. May maaaring mang-abuso sa iyo. May maaaring manakit sa iyong anak.
Bagama't ang masaktan ay isang katotohanan, ang sumama ang loob at manatiling masama ang loob ay reaksyon. Dapat tayong mamuhay ng isang buhay ng patuloy na pagpapatawad. Hindi ito tungkol sa pagtupad sa pangangailangan ng isang ekwasyong matematika. Kailangan nating magpatawad. Sa lahat ng oras.
Ang Malaking Kaisipan: Tumigil na sa pagbibilang at magsimulang kalimutan ang pagbibilang.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi isang lihim na ang mga taong pinakamalalapit sa atin ang siyang nakasasakit sa atin nang lubos. Lubhang naapektuhan ng pagtataksil, nagtatayo tayo ng mga pader sa paligid ng ating mga puso upang ingatan tayo mula sa dalamhati, ngunit ito rin ang mga pader na humaharang sa atin upang makita natin ang pag-asa, tumanggap ng kagalingan at makaramdam ng pagmamahal. Panahon na upang wasakin ang mga pader mo, paghilumin ang mga sugat, ayusin ang mga nasirang relasyon at tuklasin ang kapangyarihan ng isang bukas na puso.
More