Magmahal Na Parang Hindi Ka Pa Nasaktan Kailanman ni Jentezen FranklinHalimbawa
Ikalawang Araw
Ang Pag-ibig ang Nagtatagumpay—Sa Lahat ng Oras
Banal na Kasulatan: Juan 21:15-17
Ang pag-ibig ang sagot sa isang wasak na tahanan. Ang pag-ibig ang sagot sa pagkagumon. Ang pag-ibig ang sagot sa mga nasirang relasyon. Ang pag-ibig ang sagot sa mga nasaktan. Ang pag-ibig ang sagot sa nasawing puso. Ang pag-ibig ang sandatang maaaring sumira sa pagkakawatak-watak at muling buuin ang nawasak.
Anong nangyayari sa iyo sa kasalukuyan na sumusubok sa paraan kung paano kang magmahal? Natuklasan mo bang niloloko ka ng iyong asawa? Nais mo bang muling makipag-ugnayan sa anak na babae mong hindi mo pa nakakausap nang ilang buwan na? Sinabi ba sa iyo ng anak mong lalaki na ang kanyang kasintahan ay buntis? Ang anak mo bang tinedyer ay gumon sa ipinagbabawal na gamot na gumugulo hindi lamang sa buhay niya kundi sa bawat miyembro ng iyong pamilya? Ang anak mo bang babae ay nagpahayag na siya ay tomboy at pagod na siya sa lahat ng patungkol sa Diyos?
Iba't-ibang puwersa at masalimuot na mga bagay ang naglalarawan sa bawat isa sa mga sitwasyong ito. Ngunit sila'y totoo. Sila'y napakabigat. At sila ay nakakasakit.
Iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari kung nagpasya tayo na, sa tulong ng Diyos at sa Kanyang kalakasan, ay magmamahal tayo nang parang hindi pa tayo kailanman nasaktan. Sa halip na pigilin ang pagmamahal, manatiling masama ang loob o magnais na maghiganti, tayo ay magmahal.
Sisimulan ng Diyos na, unti-unti ay, palayain ka sa iyong nakalipas kung aabutin mo ang bagong umaga.
Maraming pag-ibig at pagpapatawad ang kailangan upang manatiling buo ang isang pamilya. Hindi nabibigo ang pag-ibig. Laging magpatawad. Laging iabot ang kamay. Laging makipag-usap.
Ang Malaking Kaisipan: Ang mga pinakamamahal mo ang siyang lubos na makakasakit sa iyo. Mahalin mo pa rin sila.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi isang lihim na ang mga taong pinakamalalapit sa atin ang siyang nakasasakit sa atin nang lubos. Lubhang naapektuhan ng pagtataksil, nagtatayo tayo ng mga pader sa paligid ng ating mga puso upang ingatan tayo mula sa dalamhati, ngunit ito rin ang mga pader na humaharang sa atin upang makita natin ang pag-asa, tumanggap ng kagalingan at makaramdam ng pagmamahal. Panahon na upang wasakin ang mga pader mo, paghilumin ang mga sugat, ayusin ang mga nasirang relasyon at tuklasin ang kapangyarihan ng isang bukas na puso.
More