Magmahal Na Parang Hindi Ka Pa Nasaktan Kailanman ni Jentezen FranklinHalimbawa
Unang Araw
Hindi Ka Makakaabante Sa Pagsisikap Mong Gumanti
Banal na Kasulatan: Mga Taga-Filipos 3:13-14
Kapag may gumawa ng kamalian sa iyo, ang pinakamabuti mong tugon ay ang magkaroon ng mahinang memorya. Ang isang magandang pagkalimot ay siyang kailangan nating lahat.
Napansin mo ba kung paanong ipinapakita ng isang alahero ang pinakamagaganda niyang diamante? Inilalagay niya ang mga ito sa ibabaw ng kulay itim na pelus. Tumitingkad ang kinang ng mga alahas kapag ito ay ikinumpara sa madilim na pinaglalagyan nito.
Sa ganitong paraan din, ginagawa ng Diyos ang pinakamagaling na gawa Niya kapag ang mga bagay-bagay ay tila wala nang pag-asa. Kung saan may kahirapan, pagdurusa at kawalang-pag-asa, naroon si Jesus. Wala nang mas mabuti pang lugar para sa pagliliwanag ng kaningningan ni Cristo.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa buhay mo habang binabasa mo ang debosyonal na ito, ngunit ito ang alam ko: Ang sakit na nararamdaman mo ngayon ay ang sakit na maaari mong pagalingin.
Hindi ko pa nararamdaman ang sakit ng pagkagumon. Hindi ko pa nararamdaman ang sakit nang mawalan ng anak. Hindi ko pa nararamdaman ang sakit ng pakikipaghiwalay. Maaari lang akong makapag-alok ng payo sa mga tao mula sa Salita ng Diyos at sa panalangin. Ngunit ang mga taong dumaan na sa mga kapighatiang iyon at naramdaman na ang mga sakit na iyon ay mas may kakayanang tumulong upang gumaling ang sinumang dumadaan sa kaparehong krisis. Ang mahalagang tandaan, gayunpaman ay, anuman ang pinagmulan ng iyong nararanasang sakit, maaari kang pagalingin ng Diyos.
Sinasabi nilang ang pamilya ang nagbibigay sa atin ng pinakamalaking kagalakan sa buhay at kung minsan naman ay ang pinakamatinding kalungkutan sa buhay. Kapag iniisip ko kung gaanong kahirap upang mapabuti ang pamilya, ang mga hamong dumarating at ang mga kaguluhang nangyayari, talagang ito ay kakaiba rin. Alam ng mga miyembro ng pamilya natin kung paano tayong galitin. Maaari ka nilang inisin. Ang mga pinakamamahal natin ay siyang malaki ang posibilidad na, sa pamamagitan ng mga kasalanan nila, makahawa sa atin kung hindi tama ang magiging tugon natin. Ngunit natutunan ko nang kasama ng mga hamon ay ang mga pagkakataon. At ang pamilya rin ang nagbibigay ng pinakamalaking pagkakataon upang tayo ay matuto kung paanong magmahal na parang hindi pa tayo nasaktan kahit kailan.
Ang Malaking Kaisipan: Ang sakit na nararamdaman mo ngayon ay ang sakit na maaari mong pagalingin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi isang lihim na ang mga taong pinakamalalapit sa atin ang siyang nakasasakit sa atin nang lubos. Lubhang naapektuhan ng pagtataksil, nagtatayo tayo ng mga pader sa paligid ng ating mga puso upang ingatan tayo mula sa dalamhati, ngunit ito rin ang mga pader na humaharang sa atin upang makita natin ang pag-asa, tumanggap ng kagalingan at makaramdam ng pagmamahal. Panahon na upang wasakin ang mga pader mo, paghilumin ang mga sugat, ayusin ang mga nasirang relasyon at tuklasin ang kapangyarihan ng isang bukas na puso.
More