Maging mga Kamay At mga PaaHalimbawa
“Sinong dinala mo?”
Paulit-ulit kong pinapangarap na balang araw ay tatayo ako sa harapan ng Diyos, at magtatanong Siya sa akin ng dalawang katanungan.
Ang una: "Kilala mo ba Ako?"
Pangalawa: “Sino ang dinala mo?
Ang unang tanong ay tinanong upang magtatag ng pagkakakilanlang Cristiano. Ang pangalawa ay upang makita kung nagawa ko na kung ano ang pangunahing misyon ng lahat ng mga Cristiano sa mundo.
Sa Mateo 28, ang nabuhay na mag-uling si Jesus ay tumayo sa isang bundok sa Galilea at inutusan ang Kanyang mga tagasunod na humayo at bautismuhan ang lahat ng mga bansa sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Sinabi rin niya sa atin sa Marcos 16:15 na humayo sa mundo at ipahayag ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha.
Ang tagubiling ito mula kay Jesu-cristo, ang ating muling nabuhay na Tagapagligtas, ay kilala bilang ang Dakilang Utos. Ginawa ko itong misyon ko, at hinihikayat ko ang bawat Cristianong nakakasalamuha ko at bawat simbahan na binibisita ko na panatilihin ito bilang pangunahing layunin araw-araw.
Ang Diyos ay hindi interesado sa mga numero. Siya ay interesado sa mga kaluluwa. Ang ating pangunahing misyon bilang mga Cristiano ay hindi ang magtayo ng pinakamalalaking simbahan at punuin ang mga ito ng mga mananampalataya. Ang layunin natin ay maabot ang mga nawawala, ang mga hindi naniniwala, at ang mga hindi pa nakakarinig ng mabuting balita.
Ang mga hindi mananampalataya ay hindi pumupunta sa simbahan, kaya dapat natin silang puntahan. Kailangan nating bigyan sila ng impormasyon, motibasyon, at inspirasyon sa bawat hakbang. Hindi natin sila basta-basta maaakit at pagkatapos ay aasahan silang manatiling kasama natin. Dapat nating ibigay sa kanila ang lahat ng suporta at paghihikayat na kailangan upang makabuo ng matatag at pangmatagalang pundasyon ng pananampalataya. Dapat nating tulungan silang manatili sa landas sa buong buhay nila.
Kailangan nating bigyan ng pagkakataon ang Banal na Espiritu na gabayan tayo. Tayo ay mga instrumento sa Kanyang mga kamay. Sa halip na tumuon sa ating mga pagkakaiba, dapat tayong magkaisa sa pagkakaisa. Iniligtas tayo ni Jesus. Siya ay Panginoon. May mga nawawalang tao sa ating paligid. Kailangan nating magsanib-puwersa bilang mga Cristiano at humanap ng mga paraan upang maabot ang mga nawawalang kaluluwang iyon at mailigtas sila. Dapat tayong magtungo sa apat na sulok ng mundo at gawin silang mga disipulo ni Jesus.
Ano ang ginagawa ng iyong simbahan para gumawa ng mga disipulo? Paano mababago ng panawagan ni Nick na isabuhay ang Dakilang Komisyon sa iyong pang-araw-araw na pag-iisip, pagsasalita at mga pagkilos?
Kung nasiyahan ka sa 5-araw na debosyonal na ito mula kay Nick Vujicic, siguraduhing tingnan ang aklat ni Nick, Be the Hands and Feet .
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kilala si Nick Vujicic sa buong mundo bilang taong walang mga kamay at mga paa na mayroong positibong saloobin. Sa pamamahagi ni Nick sa Maging mga Kamay at mga Paa, walang kapakipakinabang na bagay sa kanyang buhay na maihahalintulad sa pagpapakilala kay Jesus sa mga taong hindi pa nakakakilala sa kanya. Ano ang itsura nito? Ang limang araw na debosyonal na ito ay magbibigay sa atin ng sulyap sa puso ng mensahe ni Nick, na magbibigay sa atin ng inspirasyon upang ipalaganap ang ating pananalig kay Jesus sa mundong desperado sa pag-asa.
More