Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Maging mga Kamay At mga PaaHalimbawa

Be the Hands And Feet

ARAW 1 NG 5

Iyo ang mga Paa, Iyo ang mga Kamay

Baka nagtataka ka, Paano maituturing ng isang taong ipinanganak na walang mga paa na maging mga kamay at paa ni Jesus sa lupa?

Sumasang-ayon ako na ito ay isang napakagandang tanong. Tinanong ko ang aking sarili ng parehong bagay nang maraming beses habang ako ay lumalaki. Ano kaya ang layunin ng Diyos para sa isang taong walang mga paa?

Ang mga salitang ito mula kay Santa Teresa ng Avila ay nagkaroon ng malaking epekto sa akin sa mga nakaraang taon:

Si Cristo ay walang katawan maliban sa iyo,
Walang kamay, walang paa sa lupa kundi sa iyo,
sa iyo ang mga mata kung saan Siya tumitingin nang may Kahabagan sa mundong ito.
Iyo ang mga paa kung saan Siya lumalakad upang gumawa ng mabuti, Iyo ang mga kamay, upang pagpalain Niya ang buong mundo.

Ang siping ito ay nagbigay ng isa sa maraming hakbang na ginawa ko sa paghahanap ng aking layunin bilang isang inspirational speaker at modelong Cristianol na nagbabahagi ng kanyang pananampalataya sa iba. Hindi ko magagawa ang lahat, ngunit ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang atasan ang mga tao na punan ang bahay ng Diyos. Ito ang dapat nating gawin bilang mga Cristiano.

Ang katotohanan ng kung sino tayo ay kung paano tayo nabubuhay araw-araw. Kung gusto mong impluwensyahan ang iba, ang pinakamahalagang bagay na magagawa mo ay maging isang buhay na halimbawa ng mga alituntunin, mithiin, at pananampalataya na iyong itinataguyod. Ang pinakamainam na paraan upang ibahagi ang iyong mga paniniwala sa iba ay ang mamuhay ayon sa iyong pananampalataya kapag ikaw ay nasa ilalim ng panggigipit, kapag dumarating ang mga hamon, at kahit na ang buhay ay tila nagtatambak sa iyo ng sunud-sunod na paghihirap.

Ang mga nasa paligid mo ay nanonood at pinapansin kung paano ka tumugon sa pinakamahirap na oras sa buhay. Inoobserbahan nila kung paano mo minamahal at tinatrato ang iba. Hinahatulan nila ang iyong pagiging tunay sa pamamagitan ng pagtupad mo sa iyong mga pag-aangkin kapag dumarating ang mga mahihirap na pagsubok.

Iyon ay hindi nangangahulugan ng pagiging positibo para lamang masabing positibo ka. Nangangahulugan ito ng pagkuha ng lakas mula sa kaibuturan at, sa halip na malunod sa kawalan ng pag-asa, gumawa ng isang hakbang sa isang pagkakataon sa positibong direksyon.

Inabot ako ng mga taon ng depresyon at maging ng mga pagtatangkang magpakamatay bago ko naunawaan na hindi ako ang pagkakamali ng Diyos kundi ang Diyos ay may layunin para sa Kanyang “perpektong di-perpektong anak.” Bahagi ka rin ng plano ng Diyos. At tinatawag Niya ang bawat isa sa atin na maging mga kamay at paa Niya sa lupa.

Ano ang ibig sabihin ng pagiging mga kamay at paa ng Diyos? Paano ito makikita sa iyong buhay ngayon?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Be the Hands And Feet

Kilala si Nick Vujicic sa buong mundo bilang taong walang mga kamay at mga paa na mayroong positibong saloobin. Sa pamamahagi ni Nick sa Maging mga Kamay at mga Paa, walang kapakipakinabang na bagay sa kanyang buhay na maihahalintulad sa pagpapakilala kay Jesus sa mga taong hindi pa nakakakilala sa kanya. Ano ang itsura nito? Ang limang araw na debosyonal na ito ay magbibigay sa atin ng sulyap sa puso ng mensahe ni Nick, na magbibigay sa atin ng inspirasyon upang ipalaganap ang ating pananalig kay Jesus sa mundong desperado sa pag-asa.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah Publishing Group sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://waterbrookmultnomah.com/books/236025/be-the-hands-and-feet-by-nick-vujicic/