Maging mga Kamay At mga PaaHalimbawa
Isang Misyon sa Pag-ibig
Minsan ang mga hindi mananampalataya ay may karanasan sa pakikipagdebate. Gusto nilang subukan ang katotohanan ng iyong mga paniniwala. Para sa mga natural na pagkakataon na sabihin sa iba ang tungkol kay Jesus, dapat kang maging handa at magkaroon ng kaalaman.
Kasabay nito, huwag magpaloko sa pag-iisip na hindi ka magagamit ng Diyos kahit na kulang ka sa pag-unawa sa lahat ng aspeto ng pananampalataya. Sa unang pagkakataong natagpuan natin si Jesus sa ating buhay, tayo ay nasasabik na sabihin ito sa lahat. Ang apoy na iyon kung minsan ay nawawala kung nararamdaman natin ang pangangailangan na maging perpekto at alam ang lahat ng Kasulatan bago tayo makapagbahagi.
Marami na kaming napag-usapan ng aking pinsan na si Daniel tungkol sa pananampalataya. Isa siya sa mga pinaka maraming nalalaman, matalino, at totoong taong kilala ko. At lagi niyang sasabihin sa iyo kung ano ang iniisip niya. May mga taong nakikipagdebate dahil gusto nila ang debate. Hindi ako naniniwalang iyon ang katwiran ni Daniel. Nag-iisip siya nang lohikal at nagtatanong kung bakit hindi laging nagpapakita ang Diyos sa mga oras na inaakala nating gagawin Niya ito, tulad ng pagpapagaan ng taggutom at pagdurusa.
Laging naglalabas si Daniel ng ilang magagandang puntos. Kahit umiinit na ang aming usapan, masaya pa rin kaming nag-uusap. Palaging nagtatapos sa yakap at halik sa pisngi na nakagawian ng aking pinsang taga-Europa ang aming pag-uusap.
Sinabi sa akin ng kapatid ni Daniel na isa sa dahilan kung bakit ang pamilya ko ay may duda sa kabutihan ng Diyos ay ang kawalan ko ng mga kamay at paa. Hindi matanggap ng aking pinsan na ang isang mapagmahal na Diyos ay "iiwan" ako, ang Kanyang tapat na tagasunod, nang walang mga braso at binti.
Sinubukan kong ipaliwanag na malinaw na ipinakikita ng Biblia na ang kirot, sakit, kapansanan, pagdurusa, at kamatayan ay dumating pagkatapos na si Satanas mismo ang mag-udyok ng kasalanan. Ang ating mga pighati, sakit, at kahihiyan ay maaaring gawing mabuti ng Diyos na Manunubos. Madalas na ginagamit ng Diyos ang mga bagay na minsan ay tila kakila-kilabot upang tulungan ang iba na makita ang tunay na pag-asa, kagalakan, pag-ibig, at kapayapaang makukuha natin sa pamamagitan Niya, kahit sa gitna ng mga unos.
Ang misyon ko ay hindi ang magbalik-loob si Daniel o sinuman. Sa halip, ang aking misyon ay mahalin siya at ang lahat habang hinihikayat ko silang magsimulang lumakad kasama ni Jesus. Hindi ito tungkol sa pagkabigo kay Daniel; ito ay tunay ngang tungkol sa pagbigo sa aking makalangit na Ama kapag sinabi Niya na magsalita ako ngunit hindi ako magsasalita. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nagbabago. Nais kong paglingkuran Siya at makita ang iba na pinalaya upang mahanap ang kanilang tunay na layunin, landas, at kalayaan.
Sino ang isang tao sa iyong buhay ngayon na kailangang malaman ang tungkol kay Jesus? Paano ka makikipag-usap sa kanya?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kilala si Nick Vujicic sa buong mundo bilang taong walang mga kamay at mga paa na mayroong positibong saloobin. Sa pamamahagi ni Nick sa Maging mga Kamay at mga Paa, walang kapakipakinabang na bagay sa kanyang buhay na maihahalintulad sa pagpapakilala kay Jesus sa mga taong hindi pa nakakakilala sa kanya. Ano ang itsura nito? Ang limang araw na debosyonal na ito ay magbibigay sa atin ng sulyap sa puso ng mensahe ni Nick, na magbibigay sa atin ng inspirasyon upang ipalaganap ang ating pananalig kay Jesus sa mundong desperado sa pag-asa.
More