Maging mga Kamay At mga PaaHalimbawa
![Be the Hands And Feet](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11116%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Huwag Maging Pasahero Lang sa Bangka
Ang pagbibigay-inspirasyon sa iba na maging mga Cristiano ay nangangailangan ng pag-abot at pag-uudyok sa mga tao na isipin ang kahalagahan ng Diyos sa kanilang buhay, ngunit kailangan mong manalangin at magkaroon ng kaunawaan patungkol sa iyong pakikipag-usap. Kailangan mong ayusin ang iyong diskarte sa bawat tao dahil lahat tayo ay may iba't ibang personalidad at karanasan.
Napakaraming tao ang hindi nakumbinsi ng labis na masigasig na mga Cristiano na marahil ay may mabuting hangarin ngunit hindi naging maayos ang pamamaraan ng pagbabahagi. Maaaring sila ay naging mapilit o mas nag-aalala tungkol sa kanilang mga layunin kaysa sa mga damdamin at paniniwala ng kanilang mga nilapitan.
Ang iba ay nagdarasal para sa pagbabalik ng kasiglahan. Ngunit habang sila ay nananalangin at naghihintay, nakalimutan nilang gawin ang pangunahing bagay na hiniling ng Diyos sa atin—ang sabihin sa iba na Siya ay buhay. Sinasabi natin, “Panginoon, kumilos Ka.” Sinasabi ng Diyos, "Kikilos Ako sa pamamagitan mo kapag kumilos ka." Gusto ko lang tuparin ang utos na ipangaral ang ebanghelyo at makita ang mga tao na lalapit kay Jesus, magsimula ng aktibong relasyon sa Kanya, at maging tunay na mga tagasunod Niya.
Naniniwala ako na lahat ng Cristiano ay may responsibilidad na ibahagi ang kanilang pananampalataya at dalhin ang iba kay Cristo. Ang Kanyang mga tagasunod ay, kung tutuusin, "mangingisda" ng mga lalaki at babae. Hindi tayo pwedeng maging pasahero lang sa bangka. Kailangan nating ayusin ang ating mga linya, dahil mayroong karagatan ng mga tao doon na nangangailangan ng mapagtubos na kapangyarihan ng pag-ibig ng Diyos.
Noong sinabi ko sa Tatay ko na nagsusulat ako ng librong tinatawag na Be the Hands and Feet, sinabi niya, “Iniisip ng mga tao na kumplikado ang pag-eebanghelyo, ngunit hindi naman kumplikado ang mag-ebanghelyo. Dapat tayong maging handa na ibahagi ang ating pananampalataya anumang oras, at ito ay simpleng pag-upo kasama ang isang tao nang harapan at pagiging totoo. Sabihin sa kanila kung ano ba si Jesus sa iyo. Paano nagbago ang iyong buhay pagkatapos makilala si Jesus? Ang pagiging mananampalataya ay makikita rin sa pamumuhay ng isang tao.”
Ang mga tagasunod ni Jesus ay kailangang maging higit pa sa pagiging mabuti at mabait. Kailangan natin magkaroon ng makapangyarihang mensahe na maibabahagi. Ang dalangin ko ay makahanap ka ng sarili mong paraan para gawin iyon sa paraang pinakaangkop sa iyo at pinakamahusay na maglingkod sa ating makalangit na Ama.
Naranasan mo na bang hindi masiyahan sa isang taong sumubok na "mag-ebanghelyo" sa iyo? Ano ang hindi hindi mo nagustuhan? Ano ang natutunan mo mula rito patungkol sa pagbabahagi ng iyong pananampalataya?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Be the Hands And Feet](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11116%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Kilala si Nick Vujicic sa buong mundo bilang taong walang mga kamay at mga paa na mayroong positibong saloobin. Sa pamamahagi ni Nick sa Maging mga Kamay at mga Paa, walang kapakipakinabang na bagay sa kanyang buhay na maihahalintulad sa pagpapakilala kay Jesus sa mga taong hindi pa nakakakilala sa kanya. Ano ang itsura nito? Ang limang araw na debosyonal na ito ay magbibigay sa atin ng sulyap sa puso ng mensahe ni Nick, na magbibigay sa atin ng inspirasyon upang ipalaganap ang ating pananalig kay Jesus sa mundong desperado sa pag-asa.
More
Mga Kaugnay na Gabay
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![Krus at Korona](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11337%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Krus at Korona
![Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13048%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan
![Hindi inaakala](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11641%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Hindi inaakala
![Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F12737%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw
![Habits o Mga Gawi](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13743%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Habits o Mga Gawi
![Mga Relasyong Bampira](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11873%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Relasyong Bampira
![Matatag](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11418%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Matatag
![Bagong Taon, Bagong Pamumuhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54853%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bagong Taon, Bagong Pamumuhay
![Iniisip Ka Ni Lord](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54858%2F320x180.jpg&w=640&q=75)