Ang Salita ng Diyos Para sa Bawat PangangailanganHalimbawa
IPINAKITANG PAGMAMAHAL
“Mahal ka ng Ama.”
Nang gabi bago Siya mamatay, sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na iniibig sila ng Ama. Ang salitang "pag-ibig" dito ay hindi nagpapahiwatig ng isang obligadong pagmamalasakit o isang nakalilimot-sa-sarili at mapagsakripisyong debosyon. Taglay nito ang diwa ng "ipinapakitang pagmamahal"—pag-ibig na puno ng init at hayagang ipinapakita. Napakahalaga na maunawaan ito. Ang pag-ibig ng Ama ay hindi isang obligasyon o pormal na pag-ibig. Hindi, ang diwa ng mga salita ni Jesus dito ay "Ang Ama ay umiibig sa iyo nang malalim, mapagmahal at ipinapakita." Anong kahanga-hangang pag-ibig ito! Napakaraming ama sa lupa ang malayo, sa pisikal man o emosyonal. Hindi ganito sa ating Ama sa Langit; nang si Jesus ay mamatay at nabuhay na muli, Siya ay umakyat sa Langit at mula roon ay ibinuhos ang Banal na Espiritu sa Kanyang mga taga-sunod. Pinuno Niya ang Kanyang mga alagad na puspos ng Espiritu ng pag-aampon kaya sila ay nagsimulang tumawag ng "Ama!" Mula sa sandaling iyon, alam nila na mahal sila ng Ama nang ipinapakitang pagmamahal—sa Kanyang malakas at nakapagbibigay kaaliwan na mga bisig ng pag-ibig. Ito rin ang gusto ni Jesus para sa atin. Hilingin natin sa Kanya na tulungan tayong malaman ito sa ating mga puso, hindi lang sa ating mga isipan. Maranasan natin ang ipinakitang pagmamahal ng Ama.
PANALANGIN
Mahal na Panginoong Jesus, hinihiling ko sa Iyo na tulungan akong malaman sa aking puso na ang Ama mismo ay minamahal ako nang malalim, mapagmahal, at ipinapakita. Sa Iyong pangalan. Amen.
Para sa mas maraming pang kaalaman, pumunta sa Destiny Image Publishers, or learn more about the book at Amazon or Barnes and Noble.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang buhay ay maaaring mahirap, at kapag nahaharap ka sa mga hamon at nangangailangan ng pampatibay-loob, ang pinakamainam na lugar na pupuntahan ay ang Salita ng Diyos. Ngunit minsan, mahirap malaman kung saan titingin. Ang Salita ng Diyos para sa Bawat Pangangailangan ay kinapapalooban ng mahahalagang kasulatan para sa bawat mag-aaral ng Salita upang hanapin sa mga panahon ng tagumpay at kabiguan ng buhay. Magtiwala sa Diyos na tutulungan ka sa mga oras ng kagipitan mo.
More