Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Salita ng Diyos Para sa Bawat PangangailanganHalimbawa

God's Word For Every Need

ARAW 2 NG 5

ANG ATING TUNAY NA PAGKAKAKILANLAN

“Kayo ay magiging mga anak ko.”

Bawat mabuting ama ay may pangarap para sa kanyang mga anak. Sa nakaraang debosyon nakita natin ang bahagi ng pangarap ng Diyos para sa atin: "Ako ay magiging Ama sa inyo." Iyan na ang Kanyang plano bago pa man itatag ang mundo. Subalit may higit pa. Hindi lamang nais ng Diyos na malaman natin ang Kanyang tunay na pagkakakilanlan; nais din Niya na malaman natin ang ating tunay na pagkakakilanlan. Kung Siya ang ating Ama, magiging ano tayo? Kung pipiliin natin na sundin ang Kanyang Anak, si Jesu-Cristo, tayo ay magiging mga anak Niya. Ito ang pinakadakilang kagalakan sa lahat—na malaman na ang Diyos ay ang Ama na ating hinihintay, at ang matamasa ang pribilehiyo ng pagiging Kanyang anak. Ito ang Kanyang pangarap para sa ating buhay. Gawin natin itong ating pinakamataas na mithiin sa buhay na makapasok sa kabuuan ng kung ano ang kahulugan ng pagiging anak ng pinakadakilang Ama sa lahat. Gawin natin itong mithiin ng ating buhay na maging pinakamahusay na anak ng ating Ama sa Langit. Ito ang pangarap ng Ama para sa ating buhay. Gawin din natin itong ating pangarap!

PANALANGIN

Mahal na Ama, nagpapasalamat ako sa Iyo dahil tinawag Mo ako upang maging Iyong anak. Tulungan ako na bumuo ng aking pagkakakilanlan sa napakagandang karangalang ito. Sa pangalan ni Jesus. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

God's Word For Every Need

Ang buhay ay maaaring mahirap, at kapag nahaharap ka sa mga hamon at nangangailangan ng pampatibay-loob, ang pinakamainam na lugar na pupuntahan ay ang Salita ng Diyos. Ngunit minsan, mahirap malaman kung saan titingin. Ang Salita ng Diyos para sa Bawat Pangangailangan ay kinapapalooban ng mahahalagang kasulatan para sa bawat mag-aaral ng Salita upang hanapin sa mga panahon ng tagumpay at kabiguan ng buhay. Magtiwala sa Diyos na tutulungan ka sa mga oras ng kagipitan mo.

More

Nais naming pasalamatan ang Destiny Image Publishers sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.destinyimage.com