Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Salita ng Diyos Para sa Bawat PangangailanganHalimbawa

God's Word For Every Need

ARAW 1 NG 5

ISANG MAKALANGIT NA PAANYAYA

“Magiging isang Ama ako sa iyo.”

Ano ang pinakamahalagang talata sa Biblia? Maraming tao ang sasagot, "Juan 3:16: Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak.” Subalit, ang talatang ito mula sa ikalawang sulat ni Pablo sa simbahan ng Corinto ay maaari ring gumawa ng isang malaking pag-aangkin. Sa isang banda, ang buong plano at layunin ng Diyos ay maaaring ibuod sa mga salitang, "Magiging isang Ama ako sa iyo." Ito ang plano ng Diyos mula pa nang magkasala si Adan at Eba sa Hardin ng Eden. Nang mangyari iyon, ang mga tao ay naging hiwalay sa sa pag-ibig ng Ama. Sa katunayan, tayo ay naging ulila sa espirituwal—hindi na maaaring makipag-ugnay sa Diyos bilang ating Ama. Ngunit salamat kay Jesus, ang lahat ng iyon ay nabago! Si Jesus ang kasagutan sa ating ulilang katayuan. Siya ay naparito sa mundong ito upang mamatay para sa ating mga kasalanan at ampunin tayo sa pamilya ng Ama sa lupa. Ngayon maaari nating tawagin ang Diyos na "Ama" at mapanatag sa Kanyang bisig ng pag-ibig. Sa aklat na ito ng mga debosyon, inaanyayahan tayo ni Jesus na tumugon sa walang hanggang mga salitang ito: "Ako ay magiging isang Ama sa iyo.”

PANALANGIN

Salamat sa Iyo, O Diyos, para sa iyong paanyaya na makilala Ka bilang Ama. Buong puso kong sasabihin "Oo," habang sinisimulan ko ang mga seryeng ito ng debosyon. Sa pangalan ni Jesus. Amen.

Para sa mas marami pang kaalaman, magpunta sa Destiny Image Publishers, or learn more about the book at Amazon or Barnes and Noble.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

God's Word For Every Need

Ang buhay ay maaaring mahirap, at kapag nahaharap ka sa mga hamon at nangangailangan ng pampatibay-loob, ang pinakamainam na lugar na pupuntahan ay ang Salita ng Diyos. Ngunit minsan, mahirap malaman kung saan titingin. Ang Salita ng Diyos para sa Bawat Pangangailangan ay kinapapalooban ng mahahalagang kasulatan para sa bawat mag-aaral ng Salita upang hanapin sa mga panahon ng tagumpay at kabiguan ng buhay. Magtiwala sa Diyos na tutulungan ka sa mga oras ng kagipitan mo.

More

Nais naming pasalamatan ang Destiny Image Publishers sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.destinyimage.com