Ang Salita ng Diyos Para sa Bawat PangangailanganHalimbawa
MGA ANAK NG DIYOS
Tingnan lamang ito—tinatawag tayong mga anak ng Diyos!
Sa nakaraang debosyon nakita natin na ang Diyos ay Ama na nagpaabot ng Kanyang kahanga-hangang pag-ibig sa atin. Kaagad pagkatapos bigyang diin ito, ang Apostol Juan ay nagpapaalala sa atin na tayo, kung pinili nating sumunod kay Jesus, ay tinawag na "mga anak ng Diyos." Ito talaga tayo. Ito ang ating tunay na pagkakakilanlan. Ang ating sariling imahe ay hindi batay sa kung ano ang ginagawa natin. Ang ating halaga sa sarili ay hindi nakabatay sa ating mga nagawa. Hindi, ang ating tunay na pagkakakilanlan ay base sa isang bagay na mas nagtatagal at tiyak. Ano ang mas mainam na pundasyon kaysa sa pangunahing kapahayagan ng Bagong Tipan—na ang sinumang nakakakilala kay Jesus ay mga anak ng Ama? Ganyan mo ba nakikita ang iyong sarili? Kung hindi, hayaan mong himukin kita na buuin ang iyong pagkakakilanlan sa katotohanang ito. Hayaan mong hikayatin kita na gawin kung ano ang sinasabi ni Apostol Juan dito at "tingnan lang ito." Isaalang-alang, pagnilayan, pag-isipan ang katotohanang ito at pagkatapos tamasahin ang kagandahan nito. Kung gagawin mo ito, mayroon ka laging malalim na katiyakan na ang iyong kapanatagan ay nasa iyong katayuan bilang isang anak ng Diyos, hindi sa iyong gawa.
PANALANGIN
Pinakamamahal na Ama, nais kong ibigay sa Iyo ang papuri na mahal Mo ako bilang ako—isang anak ng Diyos. Salamat sa karangalang ito. Sa pangalan ni Jesus. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang buhay ay maaaring mahirap, at kapag nahaharap ka sa mga hamon at nangangailangan ng pampatibay-loob, ang pinakamainam na lugar na pupuntahan ay ang Salita ng Diyos. Ngunit minsan, mahirap malaman kung saan titingin. Ang Salita ng Diyos para sa Bawat Pangangailangan ay kinapapalooban ng mahahalagang kasulatan para sa bawat mag-aaral ng Salita upang hanapin sa mga panahon ng tagumpay at kabiguan ng buhay. Magtiwala sa Diyos na tutulungan ka sa mga oras ng kagipitan mo.
More