Apat na Paraan Upang Ibahagi si JesusHalimbawa
Ikuwento ang iyong istorya upang ibahagi si Jesus
May kamangha-manghang bagay na inilagay sa pagkatao mo ang Diyos upang maibahagi sa iba: ang iyong patotoo. Ang totoong istorya ng kung ano ang ginawa ng Diyos sa buhay mo at ang oras na pinili mo na maniwala sa Magandang Balita patungkol kay Jesus. Huwag mo itong itago! Ibahagi mo ito sa lahat ng nakapaligid sa iyo upang malaman din nila na mahal sila ni Jesus at kinuha Niya ang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan. Panoorin ang verse motions video at i-play pabalik-balik upang makabisado ang Mga Taga-Roma 1:6. Tandaan, hindi mo kailangang ikahiya ang istorya na ibinigay sa iyo ng Diyos!
Pagpapabalik-balik
- Basahin nang malakas ang Mga Taga-Roma 1:6 kasama ang isang kaibigan.
- Sabihin ang unang salita ng bersikulo.
- Hayaang sabihin ng kaibigan mo ang susunod na salita.
- Ulitin, magbigay ng toka sa bawat salita, hanggang sa masambit ninyo ang buong bersikulo.
- Tingnan kung gaano kabilis ninyo masasabi ang bersikulo ng iyong kaibigan!
Pag-usapan Natin.Bakit hindi natin kailangan ikahiya ang Mabuting Balita ng Diyos?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Jesus ay gumawa ng paraan upang maging kaibigan tayo ng Diyos. Iyon ang Magandang Balita, at kailangang malaman ng lahat ang tungkol dito! Tanggapin mo ang misyong ibinigay sa iyo ni Jesus: alamin ang Mabuting Balita ng Diyos, ipakita ang pagmamahal ng Diyos, mamuhay nang tulad ni Jesus, at ikuwento ang iyong istorya!
More