Apat na Paraan Upang Ibahagi si JesusHalimbawa
Ikuwento ang iyong storya upang ibahagi si Jesus.
Kapag binabasa mo ang patungkol kay Pablo sa Biblia, malalaman mo na hindi niya hinayaang mapigil siya ng kahit na anong bagay para ibahagi ang kanyang patotoo. Ibinahagi niya ito noong pinagtatawanan siya ng mga tao, ibinahagi niya ito noong tinatangka siyang saktan ng mga tao, at ibinahagi niya ito noong siya ay ikinulong dahil sa kanyang pagbabahagi! Hindi niya hinayaan na ikahiya ang totoong kuwento patungkol sa kapangyarihan ng Diyos, at minahal niya ang mga tao nang sobra kaya't ibinahagi niya ang Mabuting Balita ng Diyos kahit na alam niyang mahihirapan siya nang dahil dito.
Pag-usapan Natin:Paano ginamit ni Pablo ang kanyang istorya upang ibahagi si Jesus? Paano mo magagamit ang iyong istorya para ibahagi si Jesus?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Jesus ay gumawa ng paraan upang maging kaibigan tayo ng Diyos. Iyon ang Magandang Balita, at kailangang malaman ng lahat ang tungkol dito! Tanggapin mo ang misyong ibinigay sa iyo ni Jesus: alamin ang Mabuting Balita ng Diyos, ipakita ang pagmamahal ng Diyos, mamuhay nang tulad ni Jesus, at ikuwento ang iyong istorya!
More