Apat na Paraan Upang Ibahagi si JesusHalimbawa
Alamin ang ABC ng Pagbabahagi kay Jesus.
Ang misyon mo ay ipakita sa mga tao kung paano sumunod kay Jesus at ibahagi ang Mabuting Balita ng Diyos sa kanila. Ngunit paano ka mag-uumpisa? Kailangan mong malaman ang ABC ng Diyos.
- A:Admit (Aminin). Aminin mo na ikaw ay makasalanan, at humingi ng kapatawaran sa Diyos sa pagtaliwas sa Kanya.
- B:Believe (Maniwala). Maniwala na sinugo ng Diyos si Jesus upang kunin ang kaparusahan sa iyong mga kasalanan. Magtiwala na ikaw ay pinatawad na dahil ginawa ka nang tama ni Jesus sa Diyos.
- C:Choose (Piliin). Piliin ang ilaan ang buong buhay mo na nakadepende sa kapangyarihan ng Diyos na tutulungan kang magsabi ng "Hindi!" sa kasalanan. Habang namumuhay ka at nagmamahal na katulad ni Jesus, sabihin sa iba na ang Diyos ang iyong pinuno at nangunguna mong kaibigan.
Ngayon na alam mo na ang ABC ng Diyos, humayo ka at ikuwento ito sa iba upang maibahagi si Jesus!
Pag-usapan NatinAno ba ang ibig sabihin ng A,B, atC sa ABC ng Diyos?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Jesus ay gumawa ng paraan upang maging kaibigan tayo ng Diyos. Iyon ang Magandang Balita, at kailangang malaman ng lahat ang tungkol dito! Tanggapin mo ang misyong ibinigay sa iyo ni Jesus: alamin ang Mabuting Balita ng Diyos, ipakita ang pagmamahal ng Diyos, mamuhay nang tulad ni Jesus, at ikuwento ang iyong istorya!
More
Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church