Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Apat na Paraan Upang Ibahagi si JesusHalimbawa

Four Ways To Share Jesus

ARAW 2 NG 9

Misyon mo na ibahagi si Jesus

Bakit ibinigay ni Jesus sa iyo ang misyon na ibahagi ang patungkol sa kanya sa ibang tao? Ito ay dahil ang mga tao sa paligid mo ay may kasalanan at mga sakit sa kanilang puso na siyang dahilan kung bakit napipigilan silang kaibiganin ang Diyos. Kapag sinabi mo sa isang tao ang patungkol sa Magandang Balita ng Diyos, maaari nilang piliin si Jesus bilang kanilang pinuno. Patatawarin sila ng Diyos. Magiging kaibigan nila ang Diyos!

Panoorin ang video ng verse motion at i-play ang Paghahanap sa Kayamanan para kabisaduhin ang Marcos 16:15. Tandaan, misyon mo, araw araw, ang mangaral ng Mabuting Balita patungkol kay Jesus sa bawat isa!

Paghahanap sa Kayamanan

  1. Isulat ang bawat salita mula sa Marcos 16:15 sa mga piraso ng papel.
  2. Sumulat lamang ng isang salita sa bawat piraso
  3. Gusutin at itago ang papel.
  4. Humingi ng tulong sa isang tao na hanapin ang lahat ng papel.
  5. Tulungan ang iyong kaibigan na muling ituwid and papel at ayusin nang sunod-sunod ang mga salita.

Pag-usapan Natin:Paano makakatulong ang Marcos 16:15 para matandaan mo ang pagbabahagi ng Magandang Balita ng Diyos?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Four Ways To Share Jesus

Si Jesus ay gumawa ng paraan upang maging kaibigan tayo ng Diyos. Iyon ang Magandang Balita, at kailangang malaman ng lahat ang tungkol dito! Tanggapin mo ang misyong ibinigay sa iyo ni Jesus: alamin ang Mabuting Balita ng Diyos, ipakita ang pagmamahal ng Diyos, mamuhay nang tulad ni Jesus, at ikuwento ang iyong istorya!

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church