Apat na Paraan Upang Ibahagi si JesusHalimbawa
Ipakita ang pagmamahal ng Diyos upang maibahagi si Jesus.
Paano mo ipinapakita ang pagmamahal ng Diyos? Mahalin ang mga tao na madaling mahalin, AT mahalin ang mga tao na mahirap mahalin—kahit na kailangan nila ng malaking tulong. Isipin mo na lang ang mga kaibigan na nagpakita ng pagmamahal sa kaibigang may paralisadong binti. Hindi lang nila ginawa ang madaling bagay at ibinahagi si Jesus. Ginawa nila ang mahirap na bagay upang tulungan siya. Binuhat nila ito, binitbit, at naggawa ng butas sa bubong para lamang makilala niya si Jesus! Iyon ay pagpapakita ng pagmamahal ni Jesus. Iyon ay pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos upang maibahagi si Jesus!
Pag-usapan Natin: Sino ang kilala mong kailangang pakitaan ng pagmamahal ng Diyos upang makilala nila ang patungkol kay Jesus?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Si Jesus ay gumawa ng paraan upang maging kaibigan tayo ng Diyos. Iyon ang Magandang Balita, at kailangang malaman ng lahat ang tungkol dito! Tanggapin mo ang misyong ibinigay sa iyo ni Jesus: alamin ang Mabuting Balita ng Diyos, ipakita ang pagmamahal ng Diyos, mamuhay nang tulad ni Jesus, at ikuwento ang iyong istorya!
More