Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 119:1-8

MGA AWIT 119:1-8 ABTAG01

Mapalad silang sakdal ang landas, na sa kautusan ng PANGINOON ay lumalakad! Mapalad silang nag-iingat ng kanyang mga patotoo, na hinahanap siya ng buong puso, na hindi rin gumagawa ng kasamaan, kundi lumalakad sa kanyang mga daan. Iniutos mo ang iyong mga tuntunin, upang masikap naming sundin. O maging matatag nawa ang pamamaraan ko sa pag-iingat ng mga tuntunin mo! Kung gayo'y hindi ako mapapahiya, yamang itinuon ko sa lahat ng iyong mga utos ang aking mga mata. Pupurihin kita ng may matuwid na puso, kapag aking natutunan ang matutuwid mong mga batas. Aking tutuparin ang mga tuntunin mo; O huwag mong ganap na talikuran ako!

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 119:1-8