Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 119:1-8

Mga Awit 119:1-8 RTPV05

Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay, kautusan ni Yahweh ang sinusunod araw-araw. Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban; ang gawain ay matuwid, namumuhay silang ganap, sa kanyang kalooban ay doon sila lumalakad. Ibinigay mo nga sa amin ang iyong mga utos, upang buong pagsisikap na ito'y aming masunod. Gayon ako umaasa, umaasang magiging tapat, susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat. Kahihiyan ay hindi ko matitikman kailanpaman, kung ako ay susunod nang tapat sa iyong kautusan. Ang matuwid mong tuntunin habang aking tinatarok, buong pusong magpupuri, pupurihin kitang lubos. Ang lahat ng iyong utos ay sisikapin kong sundin, huwag mo akong iiwanan, huwag mo akong lilisanin.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 119:1-8

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya