Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 119:1-8

Salmo 119:1-8 ASND

Mapalad ang taong namumuhay nang malinis, na naaayon sa utos ng PANGINOON. Mapalad ang taong sumusunod sa mga katuruan ng Dios, at buong pusong hinahanap ang kanyang kalooban. Hindi sila gumagawa ng masama kundi sumusunod sa mga pamamaraan ng Dios. PANGINOON, ibinigay nʼyo sa amin ang inyong mga tuntunin upang itoʼy matapat naming sundin. Labis kong ninanais na maging tapat sa pagsunod sa inyong mga tuntunin. At hindi ako mapapahiya kapag sinunod ko ang inyong mga utos. Akoʼy magpupuri sa inyo nang may malinis na puso, habang pinag-aaralan ko ang inyong matuwid na mga utos. Susundin ko ang inyong mga tuntunin, kaya huwag nʼyo akong pababayaan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Salmo 119:1-8