Mapalad silang sakdal sa lakad, Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso. Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; Sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan. Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, Upang aming sunding masikap. Oh matatag nawa ang aking mga daan, Upang sundin ang mga palatuntunan mo! Hindi nga ako mapapahiya, Pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos. Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, Pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan. Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos.
Basahin MGA AWIT 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 119:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas