“Ngunit saan matatagpuan ang karunungan? At saan ang kinaroroonan ng kaunawaan? Hindi nalalaman ng tao ang daan patungo roon, at hindi nasusumpungan sa lupain ng mga buháy. Sinasabi ng kalaliman, ‘Wala sa akin,’ at sinasabi ng dagat, ‘Hindi ko kapiling.’ Hindi ito mabibili ng ginto, ni matitimbangan man ng pilak bilang halaga nito. Hindi mahahalagahan ng ginto ng Ofir, ng mahalagang onix, o ng zafiro. Ginto at salamin dito ay hindi maipapantay, ni maipagpapalit man sa mga hiyas na gintong dalisay. Hindi babanggitin ang tungkol sa coral o sa cristal; higit kaysa mga perlas ang halaga ng karunungan. Ang topacio ng Etiopia doon ay hindi maipapantay, ni mahahalagahan man sa gintong lantay. “Saan nanggagaling kung gayon, ang karunungan? At saan ang kinaroroonan ng kaunawaan? Nakakubli ito sa mga mata ng lahat ng nabubuhay, at natatago sa mga ibon sa kalangitan. Ang Abadon at Kamatayan ay nagsasabi, ‘Narinig ng aming mga tainga ang bulung-bulungan tungkol doon!’ “Nauunawaan ng Diyos ang daan patungo roon, at nalalaman niya ang kinaroroonan niyon. Sapagkat tumitingin siya hanggang sa mga dulo ng daigdig, at nakikita niya ang lahat ng bagay sa silong ng langit. Nang ibinigay niya sa hangin ang kanyang bigat, at ipinamahagi ang tubig ayon sa sukat, nang siya'y gumawa ng utos para sa ulan, at para sa kidlat ng kulog ay ang kanyang daan; nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag; ito'y kanyang itinatag, at siniyasat. At sa tao ay sinabi niya, ‘Narito, ang takot sa PANGINOON ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay kaunawaan.’”
Basahin JOB 28
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JOB 28:12-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas