“Pero saan nga ba matatagpuan ang karunungan at pang-unawa? Hindi alam ng tao kung saan ito matatagpuan. Hindi ito matatagpuan dito sa lupa. Hindi rin ito matatagpuan sa ilalim ng dagat. Hindi rin ito nabibili ng purong ginto o pilak. Ang halaga nito ay hindi matutumbasan ng ginto o ng alin mang mamahaling bato gaya ng onix o safiro. Higit pa ito sa ginto o kristal. Hindi ito maipagpapalit sa gintong alahas. Ang halaga nitoʼy higit pa sa koral, jasper, o rubi. Hindi ito mapapantayan ng mamahaling batong topaz na mula sa Etiopia at hindi rin mababayaran ng purong ginto. “Kaya saan matatagpuan ang karunungan at pang-unawa? Walang nilalang na makakakita nito kahit na ang mga ibon. Kahit na ang lugar ng kapahamakan na siyang lugar ng mga patay, sabi-sabi lang ang kanilang nalaman tungkol dito. Dios lang ang nakakaalam kung saan matatagpuan ang karunungan. Sapagkat nakikita niya kahit ang pinakamalayong bahagi ng mundo at ang lahat ng nasa ilalim ng langit. Noong pinalakas niya ang hangin, at sinukat kung gaano karaming ulan ang dapat bumuhos, itinakda na niya kung saan ito papatak, at kung saan tatama ang kulog at kidlat. Sa ganito niya ipinakita ang karunungan at kahalagahan ng mga ito. Nasubukan na niya ito at napatunayan. Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao, ‘Ang pagkatakot sa Panginoon at ang paglayo sa kasamaan ay siyang karunungan at pagkaunawa.’ ”
Basahin Job 28
Makinig sa Job 28
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Job 28:12-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas