Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 28:12-28

Job 28:12-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ngunit saan kaya matatagpuan itong karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? “Hindi alam ng tao ang daan tungo sa karunungan; wala iyon sa lupain ng mga nabubuhay. Ang sabi ng kalaliman, ‘Wala sa akin ang kaalaman.’ Ganito rin ang sinasabi ng buong karagatan. Hindi ito mabibili kahit ginto ang ibayad, hindi ito makukuha palitan man ng pilak. Ang pinakamahal na ginto at alahas, sa halaga ng karununga'y hindi maitutumbas. Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng karunungan, mas mahal kaysa sa alahas o sa gintong kayamanan. Mas mahalaga ang karunungan kaysa magandang koral, higit itong mamahalin kaysa perlas o sa kristal. Kahit na ang topaz, dito'y di maipapantay, at hindi rin mahihigitan kahit ng gintong dalisay. “Kung gayo'y saan nga nagmumula ang karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? Hindi ito nakikita ng sinumang nilalang, mga ibong lumilipad, hindi rin ito natatanaw. Kahit ang Pagkawasak at ang Kamatayan ay nagsasabing ang narinig nila'y mga sabi-sabi lamang. “Ngunit tanging ang Diyos lang ang siyang nakakaalam kung saan naroroon ang tunay na karunungan. Pagkat nakikita niya ang bawat sulok ng daigdig; natatanaw niyang lahat ang nasa ilalim ng langit. Ang hangin ay kanyang binigyan ng bigat, ang karagatan ay itinakda niya ang sukat. Ipinasya niya kung saan papatak ang ulan, at pati ang kidlat, binigyan niya ng daraanan. Dito niya nakita at sinubok ang karunungan, kanyang itinatag at binigyang kahalagahan. “At sinabi niya sa tao, ‘Ang pagsunod at paggalang sa Panginoon ay karunungan; at ang paglayo sa kasamaan ay siyang tunay na kaalaman.’”

Job 28:12-28 Ang Biblia (TLAB)

Nguni't saan masusumpungan ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa? Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon; ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay. Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin: at sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin. Hindi mabibili ng ginto, ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon. Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, ng mahalagang onix, o ng zafiro. Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon: ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto. Hindi mabibilang ang coral o ang cristal; Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga rubi. Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon, ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto. Saan nanggagaling nga ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa? Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay, at natatago sa mga ibon sa himpapawid. Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi, narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon. Nauunawa ng Dios ang daan niyaon, at nalalaman niya ang dako niyaon. Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit; Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan. Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan, at ng daan sa kidlat ng kulog: Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag; kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat. At sa tao ay sinabi niya, Narito, ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.

Job 28:12-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ngunit saan kaya matatagpuan itong karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? “Hindi alam ng tao ang daan tungo sa karunungan; wala iyon sa lupain ng mga nabubuhay. Ang sabi ng kalaliman, ‘Wala sa akin ang kaalaman.’ Ganito rin ang sinasabi ng buong karagatan. Hindi ito mabibili kahit ginto ang ibayad, hindi ito makukuha palitan man ng pilak. Ang pinakamahal na ginto at alahas, sa halaga ng karununga'y hindi maitutumbas. Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng karunungan, mas mahal kaysa sa alahas o sa gintong kayamanan. Mas mahalaga ang karunungan kaysa magandang koral, higit itong mamahalin kaysa perlas o sa kristal. Kahit na ang topaz, dito'y di maipapantay, at hindi rin mahihigitan kahit ng gintong dalisay. “Kung gayo'y saan nga nagmumula ang karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? Hindi ito nakikita ng sinumang nilalang, mga ibong lumilipad, hindi rin ito natatanaw. Kahit ang Pagkawasak at ang Kamatayan ay nagsasabing ang narinig nila'y mga sabi-sabi lamang. “Ngunit tanging ang Diyos lang ang siyang nakakaalam kung saan naroroon ang tunay na karunungan. Pagkat nakikita niya ang bawat sulok ng daigdig; natatanaw niyang lahat ang nasa ilalim ng langit. Ang hangin ay kanyang binigyan ng bigat, ang karagatan ay itinakda niya ang sukat. Ipinasya niya kung saan papatak ang ulan, at pati ang kidlat, binigyan niya ng daraanan. Dito niya nakita at sinubok ang karunungan, kanyang itinatag at binigyang kahalagahan. “At sinabi niya sa tao, ‘Ang pagsunod at paggalang sa Panginoon ay karunungan; at ang paglayo sa kasamaan ay siyang tunay na kaalaman.’”

Job 28:12-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Nguni't saan masusumpungan ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa? Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon; Ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay. Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin: At sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin. Hindi mabibili ng ginto, Ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon. Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, Ng mahalagang onix, o ng zafiro. Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon: Ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto. Hindi mabibilang ang coral o ang cristal; Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga rubi. Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon, Ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto. Saan nanggagaling nga ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa? Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay, At natatago sa mga ibon sa himpapawid. Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi, Narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon. Nauunawa ng Dios ang daan niyaon, At nalalaman niya ang dako niyaon. Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, At nakikita ang silong ng buong langit; Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan. Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan, At ng daan sa kidlat ng kulog: Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag; Kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat. At sa tao ay sinabi niya, Narito, ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan; At ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.