Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 21:1-5

Mga Kawikaan 21:1-5 TLAB

Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: kumikiling saan man niya ibigin. Bawa't lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga puso. Gumawa ng kaganapan at kahatulan ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain. Ang mapagmataas na tingin, at ang palalong puso, siyang ilaw ng masama, ay kasalanan. Ang mga pagiisip ng masipag ay patungo sa kasaganaan lamang: nguni't bawa't nagmamadali ay sa pangangailangan lamang.