Ang isipan ng hari ay parang ilog na pinapadaloy ng PANGINOON saan man niya naisin. Inaakala ng tao na tama ang lahat ng kanyang ginagawa, ngunit ang PANGINOON lang ang nakakaalam kung ano ang ating motibo. Ang paggawa ng matuwid at makatarungan ay kalugod-lugod sa PANGINOON kaysa sa paghahandog. Ang mapagmataas na tingin at palalong isipan ay kasalanan. Ganyan ang ugali ng mga taong makasalanan. Ang gawaing plinanong mabuti at pinagsikapan ay patungo sa kaunlaran, ngunit ang gawaing padalos-dalos ay maghahatid ng karalitaan.
Basahin Kawikaan 21
Makinig sa Kawikaan 21
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Kawikaan 21:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas