Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 21:1-5

MGA KAWIKAAN 21:1-5 ABTAG01

Ang puso ng hari ay nasa kamay ng PANGINOON na parang batis ng tubig; ibinabaling niya ito saanman niya ibig. Matuwid sa kanyang sariling mga mata ang bawat lakad ng tao, ngunit tinitimbang ng PANGINOON ang mga puso. Ang paggawa ng katuwiran at katarungan, ay higit na kalugud-lugod sa PANGINOON kaysa pag-aalay. Ang mapagmataas na tingin, at ang pusong palalo, siyang ilaw ng masama, ang mga ito'y kasalanan. Ang mga plano ng masipag ay patungo sa kasaganaan, ngunit ang bawat nagmamadali ay humahantong lamang sa kasalatan.