Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 21:1-5

Mga Kawikaan 21:1-5 RTPV05

Hawak ni Yahweh ang isip ng isang hari at naibabaling niya ito kung saan igawi. Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto, ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso. Higit na kalugud-lugod kay Yahweh kaysa mga handog ang mga gawang makatuwiran at makatarungan. Ugaling mapangmata at pusong mapagyabang, ito ang siyang gabay ng mga makasalanan. Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan, ngunit ang dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya