Mga Pangalan Ni LordSample
Kailangan mo ba ng tagapag-redeem?
May mga karanasan ka ba kung saan may pagkakamali kang nagawa at wala kang maisip na way para baguhin ang lahat? O, baka naman wala ka namang nagawang masama, pero ang mga pangyayari lang sa buhay ang mahirap, na parang wala ka ring way out? Napakahirap ng ganoong sitwasyon, hindi ba?
May good news ako sa ‘yo. Isa rin pala sa mga pangalan ni Lord ay isa Siyang Redeemer. Ano’ng ibig sabihin nito? Isang meaning ng salitang “redeem” ay ang pagbili ng isang bagay, gaya ng kuwentong ito:
Sa Bible, may isang babaeng foreigner na nagngangalang Ruth ang naging asawa ng isang taga-Israel na si Mahlon. Maagang namatay si Mahlon. Sa Israel pala sa panahong iyon, kapag namatay ang padre de pamilya, kawawa ang asawa dahil bawal magtrabaho ang mga babae noon. Magiging parang pulubi na itong widow ng namatay. Kahit na may property si Mahlon, hindi ito puwedeng mapunta kay Ruth; kailangang may “redeemer” na bibili nito at kasama rito ay magiging asawa nitong “redeemer” ang widow ng namatay. (Tingnan ang Ruth.)
Sa story na ito, may mayamang si Boaz na nakapansin kay Ruth habang kumukuha siya ng nahuhulog na mga barley (parang palay ito sa lugar nila.) Pinili ni Boaz na i-redeem si Ruth at naging asawa na n'ya ito. Dahil dito, umahon si Ruth sa kahirapan, at naging ancestors pa sila ni Jesus, many generations down the road!
Alam mo bang ni-redeem ka na rin ni Jesus? Nung mamatay Siya sa cross, ang nangyari ay parang binili ka Niya and He set you free from sin and death.
Basahin nga natin aloud itong Bible verse na ito:
Ang mga kasalanan moʼy parang ulap o ambon na pinaglaho ko na. Manumbalik ka sa akin para mailigtas kita. (Isaias 44:22 ASND.)
Nakikita mo? Isa kang miracle!
Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!