YouVersion Logo
Search Icon

Mga Pangalan Ni LordSample

Mga Pangalan Ni Lord

DAY 3 OF 7

May kailangan ka bang healing ngayon?

Are there areas in your life na kailangan ng healing ngayon? It may be a physical ailment, o di kaya an area of emotional hurt o trauma, na kahit napatawad mo na ay masakit pa rin. You’re not alone!

Sa Bible, isa sa mga names ni God ang “Jehovah Rapha,” which means “God is our Healer.” Maraming mga stories doon ng mga diseases na napagaling ni Lord. Sa time nila Moses, may isang beses na maraming Israelites ang kinagat ng ahas. Nagbigay ng instruction si God kay Moses na itaas ang isang bronze serpent, at lahat ng nakatingin doon ay na-heal agad. Sabi Niya,

“Ako ang Panginoon, ang nagpapagaling sa inyo.” (Exodus 15:26 ASND)

Sa 2 Kings 5 naman, may leprosy si Naaman. Sinabihan siya ng prophet ni God na maligo sa Jordan River, at matapos nyang gawin ito’y naging parang baby ang skin nya.

Sa New Testament, kilala si Jesus bilang healer. Pinagaling Niya hindi lang mga physical diseases, like bleeding, mga physical disabilities like pagkabulag at pagkabingi, but pati ang mga taong under demonic oppression.

Throughout history, may times na instantaneous ang healing; tinatawag itong miracles. Minsan, ginagamit Niya ang mga professionals like doctors and surgeons na gawin ang kailangan para mapagaling ang isang tao. Other times, hindi natin maintindihan kung bakit parang hindi pa dumarating ang healing. Pero it doesn’t change the fact na si Lord ay isang Healer.

Do you know na puwede mong hingin kay Jesus ang healing? Puwede nating i-pray ito, “Jesus, kailangan ko ng healing sa _________. I ask na i-heal Ninyo ako, if it’s in Your will. In Jesus’ name, amen.”

Kung may natanggap kang healing kay Lord, feel free na i-share sa amin by replying to this email. Matutuwa kaming makarinig sa iyo!

Tandaan mo, isa kang miracle!

Scripture

Day 2Day 4