YouVersion Logo
Search Icon

Mga Pangalan Ni LordSample

Mga Pangalan Ni Lord

DAY 2 OF 7

Alam mo bang may gustong mag-alaga sa iyo?

Do you also feel sometimes na parang kailangan mo maging strong? Baka may malaking challenge ka sa life, o di kaya, sa daily grind pa lang mismo’y you need to keep your act together. Mas sanay kang walang maaasahan at lahat ay kailangan mong gawin on your own.

Totoo, maganda ang pakiramdam na kaya mo ang lahat. Pero if magiging honest tayo, hindi ba minsan nakakapagod na sa iyo nakasalalay ang lahat?

Ganito ang nararamdaman ng mga orphans. Maaaring maagang namatay or nawala ang kanilang mga magulang; kailangan ng mga batang orphan matuto to survive on their own. On the one side, mabuti nang natuto sila. Pero on the other hand, alam mo bang may gustong mag-take care sa mga katulad nila?

One time, nag-ask ang mga disciples ni Jesus na turuan sila kung paano mag-pray. Ito ang Kanyang sagot:

Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. Nawa'y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin…’ (Mateo 6:9-13 RTPV05)

Madami raw ang nagulat sa sinabi ni Jesus na ganito, na tinawag Niya si God na “Ama.” Ano ba ang ginagawa ng Tatay natin? Sila ang nag-aalaga sa atin, di ba?

Nakikita mo ba? Gusto ni Lord na ituring natin Siyang Ama. Hindi natin kailangang maging in charge ng lahat, dahil Siya ang ating Ama na gustong alagaan tayo.

Gawin natin ito. I-try nating kausapin si Lord na para nating Ama, dahil ganun pala Siya sa atin. At ang good news ay, isa Siyang perfect na Ama, hindi katulad ng earthly fathers natin na may mga weaknesses.

Isa kang miracle!

Day 1Day 3