YouVersion Logo
Search Icon

Mga Pangalan Ni LordSample

Mga Pangalan Ni Lord

DAY 5 OF 7

Kailangan mo bang may mag-defend sa iyo?

Nakaramdam ka na ba sa buhay mo na wala kang kakampi? Maaaring dahil ito sa misunderstanding sa isang relationship, like with a coworker, with a classmate, or even with a family member, na parang hindi ka naiintindihan.

I remember may isang pagkakataon na may pinagdadaanan kami sa family. May struggles kaming mag-asawa, not sa marriage namin but individually. During that time, dahil sa individual emotional turmoil namin, medyo short-tempered kami sa isa’t-isa. May isang instance kung saan ang pakiramdam ko ay hindi ako naintindihan ni Mark, at nahirapan akong not to defend myself. But I chose not to do it, para hindi na lalong tumaas ang emotions naming pareho.

Naalala ko na na ang nakatulong sa akin that time ay ang story ni David.

Sa Bible, isang batang shepherd si David na pinili ni Lord na maging bagong king na papalit kay King Saul, ang hari ng Israel. Kahit na wala namang plano si David na i-overtake si Saul, naging paranoid si Saul at gustong patayin si David, kaya kinailangan ni David tumakas at naging on the run siya. Throughout the story, ilang beses nagkaroon ng chance si David na patayin si King Saul, pero pinipili niyang huwag maghiganti, dahil alam nyang si Lord ang kanyang Defender. (1 Samuel 16 ASND)

Makaka-relate ka ba sa mga ito? May pakiramdam ka ba ngayon na parang maraming against sa iyo at kailangan mong i-defend ang sarili mo? May good news ako sa iyo. Si Lord mismo ang gustong maging Defender mo. Siya ang nakakakita sa lahat ng nangyayari, at alam Niya kung ano ang tama.

Pwede nating ibigay sa Kanya everything that’s bothering us. Simple prayer lang, “Lord, need ko ang help Mo sa ________. Ikaw ang aking Defender, kaya hindi ko kailangang ipaglaban ang rights ko.”

Hoping nakapag-encourage ito sa iyo.

Isa kang miracle!

Scripture

Day 4Day 6