Mga Pangalan Ni LordSample
Kailangan mo ba ng somebody who knows you fully?
Ano ba ang laging nangyayari sa family reunion? Usually, may times na nagtatawanan ang pamilya sa mga nangyari sa past. Ang mga parents, aunties and uncles natin, may mga kuwento sila noong bata pa sila, na sila-sila lang din ang nakakaalam at nakaka-relate. Tayo rin, may mga shared experiences din sa mga kapatid at mga pinsan natin, na nakakatuwa i-reminisce.
Of course, hindi ito ibig sabihin na always close ang magkakapatid. One time, nagka-conflict ako sa pinaka-close kong kapatid noong bata kami. Naramdaman ko yung “loss” ng someone na feeling ko nakakakilala sa akin ng buong-buo, even if, in truth, alam kong mas kilala ako ng husband ko and ng mga current close friends namin.
Nakasulat pala sa Bible na si Jesus ay “brother” natin:
Si Jesus ang naglilinis ng ating mga kasalanan. At ang kanyang Ama ay siya rin nating Ama. Kaya hindi niya ikinakahiya na ituring tayong mga kapatid niya. (Hebreo 2:11 ASND)
Sa pag-describe ni Jesus na “kapatid” Niya tayo, na-appreciate ko tuloy ang picture ng magkakapatid: di ba ang family pala ay isang relationship kung saan nate-train tayong i-accept ang mga strengths and weaknesses ng isa’t-isa? Totoo, hindi ito always nangyayari. Pero kapag inisip natin si Jesus bilang kapatid, maaari kayang picture ito na ang lahat ng pinagdadaanan natin, from childhood onwards, nakikita Niya at alam Niya?
May mga pinagdadaanan ka bang feeling mo walang nakakakita? Brother mo si Jesus; nakikita Niya ang lahat ng nangyayari sa iyo, and He cares!
Ito ang challenge ko sa iyo today: sumulat ng isang letter kay Jesus tungkol sa mga bagay-bagay na gumugulo sa iyo. Then, itago ang sulat sa isang private place. Or if you want, puwede ring sunugin ito, since alam mo nang nabasa na ito ni Jesus.
Isa kang miracle!