YouVersion Logo
Search Icon

Mahalaga ang Pamilya Muna Sample

Mahalaga ang Pamilya Muna

DAY 5 OF 7

FUN O KASAYAHAN

May nagsabi na ang libangan ay nangangahulugang "maglibang" o "mag-aliw". PInahihintulutan tayo ng Diyos ngayon para magbago at palaguin ang ating pananampalataya. Maging ang Diyos sa Genesis 1, matapos magtrabaho (paglikha sa sansinukob ng 6 na araw), Siya ay nagpahinga sa Sabbath at dito inutos Niya na kailangan nating magkaroon ng pahinga sa Sabbath.

Ang kasayahan, aliwan ay mga regalo sa atin ng Diyos upang tayo ay mapalapit sa Kanya. Dapat lagi nating tandaan na pasalamatan ang Diyos kung tayo'y nagpaplanong maglibang iniisip lagi na ito'y regalo mula sa Diyos. Nais ng Diyos na tayo ay magpakaligaya ayon sa ECC 3.12-13 kung saan hinikayat tayong magalak hindi sa kasalanan o makasalanang kasiyahan kundi sa pinakamabuting paraan.

Narito tayo upang tamasin ang mga biyaya ng buhay sa maginhawang paraan at kasama ng malugod na puso, lalo na sa mga espirituwal na bagay at higit sa lahat kay Cristo. Tayo ay para gumawa ng mabuti sating buhay - para sa sarili natin at para sa ating pamilya at para sa iba. Kadalasan ang ating libangan ay nagdudulot ng pagkamalikhain satin na siya namang kaloob satin ng Diyos na siyang may-akda ng kagandahan.

Ang mga oras kasama ang ating pamilya at mga kaibigan ay bigay satin sa gayo'y magawa nating patatagin ang ating relasyon sa kanila. Ang mga palarong bahagi tayo ay makakatulong palakasin ang ating pisikal at mental na mga abilidad upang mapaglingkuran natin ang Diyos nang mas higit at mas mabuti. Sabi ni A.W. Tozer na "Ang Diyos ay mabuting Diyos at Siya ay nagagalak sa kaligayahan ng Kanyang mga tao."

Scripture

Day 4Day 6

About this Plan

Mahalaga ang Pamilya Muna

Ang isa sa mga pinaka-karaniwang problema sa mabilis na lipunan na ating tinitirhan ay kung paano magkakaroon ng balanse sa pagitan ng personal, pampamilya at propesyonal na buhay kung saan nais nating magwagi sa lahat ng mga aspeto na ito. Ito ay kadalasang lumilikha ng tensyon, hindi kailangang stress na nagreresulta sa pagkakaroon ng hindi malusog, at puno ng stress na trabaho at nagdudulot sa atin upang hindi maging produktibo. Ang paggamit ng propyetaryong 7F's Well-Being Model ay makatutulong sa atin upang isaayos ang ating buhay upang mapamahalaan ito nang mabuti at maging mga manggagawa at mapahusay ang ating mga relasyon sa pamilya.

More