YouVersion Logo
Search Icon

Mahalaga ang Pamilya Muna Sample

Mahalaga ang Pamilya Muna

DAY 4 OF 7

FAMILY O PAMILYA

Pinili ng Diyos ang balangkas ng isang pamilya para tulungan tayong maintindihan ang kapangyarihan at ang Kanyang plano para sa ating mga buhay. Itinatag ng Diyos ang pamilya, mag-anak sa GEN 2.18. Magkasamang dinala ng Diyos sina Adan at Eva at nagtatag ng batayan para sa ating pamilya. Kahit na sina Adan at Eva ay walang mga magulang, ang Diyos ang Siyang nagtatag ng prinsipyo na ang lalaki at babae ay hihiwalay sa kanilang mga magulang at sila'y magsasama at magsimulang bumuo ng bago. Bawat miyembro ng pamilya ay may mga gampanin at responsibilidad.

Ang asawang lalaki (EPH 5.25-28) ay dapat mahalin ang kanyang asawang babae katulad ng pagmamahal ni Cristo sa simbahan. Ang asawang babae (EPH 5.22-23) ay dapat ibigay ang sarili sa kanyang asawang lalaki. Ang ina (2 TIM 1: 5,3: 15) ay dapat turuan ang kanyang mga anak sa pamamaraan ng Panginoon. Ang mga anak (EPH 6.1-3) ay dapat sumunod sa kanilang mga magulang. Pag meron na tayong maayos na pagkaunawa tungkol sa pamilyang ginawa ng Diyos, mapapadali ang pagkakaindinti natin sa mga kagustuhan ng Diyos na makipag-ugnayan tayo sa bawat isa at sa Kanyang kapangyarihan.

Tinuro ni Pablo kay Timoteo na ang pamilya ay dapat may respeto sa bawat isa. Sa simbahan, nirerespeto natin at dinadangal ang iba na parang kapamilya natin. Hinuhubog tayo ng ating pamilya at napakahalaga nito kung sino tayo ngayon. Kung gusto natin na maging respetado at responsable ang ating mga anak, dapat matutunan nila ito sa isang maayos na ugnayan sa pamilya.

Magkaroon ng oras kasama ang ating pamilya at bumuo ng relasyon kasama sila ay isang biyaya ng Diyos na binigay sa atin at kailangan nating tanggapin itong regalo ng buong tuwa't kagalakan.
Day 3Day 5

About this Plan

Mahalaga ang Pamilya Muna

Ang isa sa mga pinaka-karaniwang problema sa mabilis na lipunan na ating tinitirhan ay kung paano magkakaroon ng balanse sa pagitan ng personal, pampamilya at propesyonal na buhay kung saan nais nating magwagi sa lahat ng mga aspeto na ito. Ito ay kadalasang lumilikha ng tensyon, hindi kailangang stress na nagreresulta sa pagkakaroon ng hindi malusog, at puno ng stress na trabaho at nagdudulot sa atin upang hindi maging produktibo. Ang paggamit ng propyetaryong 7F's Well-Being Model ay makatutulong sa atin upang isaayos ang ating buhay upang mapamahalaan ito nang mabuti at maging mga manggagawa at mapahusay ang ating mga relasyon sa pamilya.

More