YouVersion Logo
Search Icon

Mahalaga ang Pamilya Muna Sample

Mahalaga ang Pamilya Muna

DAY 2 OF 7

FAITH O PANANAMPALATAYA

Ang pananampalataya ay isa sa mga batayan ng ating pagiging Cristiano. Ang pananampalataya ay isang makapangyarihang sangkap na nag-uugnay at nag-kakapit sa atin sa Diyos sa paraan na higit sa abot ng ating pang-unawa. Ang ating pananampalataya sa Diyos ay ang tunay na bagay na nagpapatatag sa atin at nagpapanatili sa atin na ligtas sa mga nakakatakot na unos ng buhay. Ito ang tunay na batayan ng ating lubos na pag-asa at kumpiyansa sa Diyos.

Dagdag pa rito, ang pananampalataya ay isang sangkap na naghahatid sa atin sa di malirip na pagpapala na ipinangako ng Diyos sa Kanyang salita. Ang ating pagsampalataya sa Diyos ay ating paraan para abutin Siya. Ang pananampalataya ay dapat ipahayag batay sa kung ano ang ginawa na ng Diyos para sa atin alang-alang sa Kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ni Cristo para tanggapin natin ang Kanyang mga pagpapala. Tungkol sa ating paglakad bilang Cristiano, hindi kailanman hiningi ng Diyos na gawin natin ang anumang madali. Likas na interesado ang Diyos sa alay na may sakripisyo.

Ganon din ang pagtitiwala sa Diyos lalo na kung hindi mabuti ang nangyayari sa atin. Gayunman, kung ang pananampalataya ay gagamitin sa tamang paraan gaya nang sinasabi sa Biblia, kaya nitong magbigay ng makapangyarihang resulta. Anumang pananampalataya meron ang iyong kalooban ang siyang magiging antas ng pananampalataya na meron ka para gumawa ang Diyos sa iyo. Kung wala kang pananampalataya na kikilos ang Diyos, malamang na hindi ka aasa na may mangyayari. Ang pagiging puno ng pananampalataya ay isang bagay: subalit hindi lamang ito sa pagsasabing naniniwala ka - ito ay pagkilos para ipakita kung gaano ka naniniwala. Si Jesus ang kaganapan ng ating pananaampalataya, pananalig at pag-asa.
Day 1Day 3

About this Plan

Mahalaga ang Pamilya Muna

Ang isa sa mga pinaka-karaniwang problema sa mabilis na lipunan na ating tinitirhan ay kung paano magkakaroon ng balanse sa pagitan ng personal, pampamilya at propesyonal na buhay kung saan nais nating magwagi sa lahat ng mga aspeto na ito. Ito ay kadalasang lumilikha ng tensyon, hindi kailangang stress na nagreresulta sa pagkakaroon ng hindi malusog, at puno ng stress na trabaho at nagdudulot sa atin upang hindi maging produktibo. Ang paggamit ng propyetaryong 7F's Well-Being Model ay makatutulong sa atin upang isaayos ang ating buhay upang mapamahalaan ito nang mabuti at maging mga manggagawa at mapahusay ang ating mga relasyon sa pamilya.

More