YouVersion Logo
Search Icon

Mahalaga ang Pamilya Muna Sample

Mahalaga ang Pamilya Muna

DAY 1 OF 7

FULFILLMENT O KATUPARAN

Lunes ng umaga gumigising tayo nang maaga para hindi ma-traffic. Pagdating sa opisina, diretso na sa pagbabasa ng email na naiwan nang weeekend. Pagkatapos, trabaho na, makikipagkita sa mga kliyente, pupunta sa meeting. Tapos Biyernes, humahanap tayo ng lugar para makipagkita sa mga kaibigan o ka-opisina at makikipag-inuman ng konti bago uuwi sa bahay.

Ang buhay ay sadyang paulit-ulit. At minsan tinatanong natin ang ating mga sarili - ito na ba ang buhay? Ano ba ang layunin at kahulugan ng buhay? Ang layunin at kahulugan ng buhay ay hindi madaling alamin. Ang mga tanong sa atin ay: Ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng layunin at kahulugan? Paano natin aalamin kung ano ito? Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa layunin ng ating mga buhay? Isaalang-aalang ang ISA 43.7 na sinasabi, na nilalang tayo ng Diyos para sa Kanyang kaluwalhatian at para sa Kanyang gawain lamang.

Ang layunin at dahilan kung bakit narito tayo sa mundo ay para lamang sa Kanyang kaluwalhatian. Ang ating layunin ay purihin ang Diyos, sambahin Siya, ipahayag ang Kanyang kadakilaan at gawin ang Kanyang kalooban. Iyan ang makakapag-luwalhati sa Kanya. Samakatuwid, sa pamamagitan nito, nakikita natin na binigyan tayo ng Diyos ng dahilan kung bakit narito tayo sa mundo - isang dahilan para mabuhay. Nilikha Niya tayo ayon sa Kanyang kagustuhan, at ang ating buhay ay para sa Kanya upang magampanan natin ang inilaan Niyang gawain para sa atin.

Kapag nagtitiwala tayo sa Nag-iisang lumikha na siyang nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban (Mga taga Efeso 1.11), ay nagkakaroon tayo ng buhay na may layunin. Sinabi ni Augustine na ang "pangunahing layunin ng tao ay walang hanggang luwalhatiin ang Diyos." Kung paano natin gawin ang layuning ito ay nasa sa atin dahil binigyan Niya ang bawat isa sa atin ng regalo, mga kakayahan at talento na maaari nating gamitin sa Kanyang kaluwalhatian. Nasa sa atin kung paano natin gagamitin ang mga regalo at talento na ibinigay Niya, at meron tayong responsibilidad na pagyamanin at bigyan ng halaga ang mga regalong ito.

Ibinigay ito sa atin para gamitin lamang natin, pero ibinigay ito sa atin upang paglingkuran ang iba at dalhin sila sa Kaharian ng Diyos. Kung ang lahat ng ating ginagawa ay para sa kaluwalhatian lamang ng Diyos, iyan ang tunay na katuparan!
Day 2

About this Plan

Mahalaga ang Pamilya Muna

Ang isa sa mga pinaka-karaniwang problema sa mabilis na lipunan na ating tinitirhan ay kung paano magkakaroon ng balanse sa pagitan ng personal, pampamilya at propesyonal na buhay kung saan nais nating magwagi sa lahat ng mga aspeto na ito. Ito ay kadalasang lumilikha ng tensyon, hindi kailangang stress na nagreresulta sa pagkakaroon ng hindi malusog, at puno ng stress na trabaho at nagdudulot sa atin upang hindi maging produktibo. Ang paggamit ng propyetaryong 7F's Well-Being Model ay makatutulong sa atin upang isaayos ang ating buhay upang mapamahalaan ito nang mabuti at maging mga manggagawa at mapahusay ang ating mga relasyon sa pamilya.

More